Chapter 33

17.7K 582 1.7K
                                    

.

Mrs.


To: Ansel Monterro
What time are you coming home?

Masakit ang puso ko. I was already trembling while cooking his favorite bulalo. Naramdaman ko pa ang pagpatak ng mga walang hiyang luha ko.

Pinahatid ko na kay Mang Tasyo 'yung mga damit at gamit ni Cali na kakailanganin niya. Ayokong pumunta roon dahil bakas sa mukha ko ang pag-iyak ko. I don't want Cali to notice it nor my Mom. Baka mag-alala pa sila. And I really don't want Cali to know it.

"Iana, ayaw mo ba talagang magsabi kay Ansel?" Manang asked. Ang pag-aalala ay natinigan ko sa boses niya.

"Oo nga po, Ma'am! Sumosobra na po 'yung Mommy niya!"

Ngumiti ako at umiling. "'Huwag niyo pong sabihin kay Ansel ang ginawa ng Mommy niya. Ako na po bahalang makipag-usap sa kanya."

Pagkatapos kong magluto ay hindi na muna ako nakisabay kila Manang na kumain. Dahil wala akong gana. At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Ansel. And I don't want to fully believe those pictures no matter how clear they looked unless I hear it from Ansel's mouth.

My heart is already aching so badly. Para akong kinakapos sa paghinga dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong umiyak pero shit lang, parang pinupunit ang puso ko kapag bumabalik sa isip ko 'yung mga litratong nakita ko kanina.

Ang alam lang nila Helena ay pinagsisigawan ako ni Mrs. Monterro. Hindi nila nakita 'yung mga litrato. And I don't want them to see it. Ayoko din naman na sumama ang tingin nila kay Ansel.

I breathed heavily before placing the pictures that Mrs. Monterro gave on the bed. I sat on the edge, trying to keep myself calm.  

Communication is the key, Iana. Talk to him. Ask him. I reminded myself.

Nag-iinit ang gilid ng mukha ko sa mga luhang panay nagsisilabasan. Kasabay nito ang kirot na gumagapang sa dibdib ko na hindi na nawawala.

"Shit," I murmured before standing from the bed. Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos.

Hindi naman ako iyakin. I do not get emotionally hurt and cry. But I just can't help it now. Masakit e. Alam mo 'yung kahit hindi ka pa sigurado lung totoo ba o hindi ay nadudurog na ang puso mo? Only imagining your husband with a woman already breaks your heart, how much more if may evidence? It's murdering my heart.

"Pictures lang 'yon, Iana! Malay mo, dati pang mga litrato 'yon!" I tried to convince myself but it recoiled.

Their features in this picture is the same as now. At binanggit sa akin ni Ansel na hindi siya kailanman nakipagtalik kay Bianca noon dahil ang turing niya lang rito ay nakababatang kapatid. Hindi ba?

Sinubukan ko na huwag isipin ang mga sinabi ni Mrs. Monterro pati rin ang ipinakita niyang mga litrato. Pero habang tumatagal, lumalala lang 'yung paninikip ng dibdib ko.

I don't want to overthink but I can't help it when the pictures look so current! I checked the time. It's already past 11. Hindi pa siya umuuwi.

Five more minutes.

"Please, Ansel," I whispered weakly.

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko habang tinitignan ang hawak kong mga litrato nila Ansel at Bianca. Tumingala ako para pigilan ngunit hindi ko makontrol ang patuloy na pagbagsak nila.

Huminga ako ng malalim nang mag-ring ang phone ko.

[Iana.] I heard my Dad's cold voice mutter my name.

BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon