Chapter 5

7.8K 312 30
                                    

"May class ka pa, right?"

Napaangat ako ng tingin sa babaeng kasama ko ngayon dito sa rooftop. Kanina pa kami dito, actually. Sinabi ko na rin na pwede niya na ako iwan dahil alam ko naman na may task pa itong kailangan gawin. Alam ko din na hindi lang sa acads ang pinagkakaabalahan nito. She is just really that hardworking, base na lang din sa nakikita ko.

Sus!

E 'di ako na! Ako na talaga.

"Yes pero wala pa naman daw assign na prof doon kasi kahapon lang daw nagsabi na mag l-leave si Ms. Bautista kaya wala pang nahahanap na kapalit." Mahaba kong salaysay na nagpatango dito.

Katahimikan na naman ang namayani sa amin hanggang sa napagpasyahan nitong tumayo at ilahad ang kamay sa akin. 

I looked at it confusingly.

"Come on." She said kaya kinuha ko ang kamay nito para makatayo galing sa pagkakaupo sa sahig. 

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko habang pinapagpagan ang mga dumi sa damit.

"I'll treat you." 

Agad na napaangat ang tingin ko dito bago mapangiti ng malawak. Naman talaga!

"Saan?" Maligaya kong saad kaya sumilay naman ang maliit na ngiti nito sa labi bago mapailing. 

"Restaurant or a fast food chain?" Tanong nito kaya I tilted my head while looking at her.

Natawa ako, "Fast talk ba 'to?" Natawa rin naman siya sa sinabi ko bago mapailing.

"Just answer it!" Nauubos ang pasensya na sabi nito pero natatawa pa rin. Napailing ako bago sumagot.

"Fast food." 

"Park or arcade?" Napaisip ako sa tanong nito. 

Kung sa arcade maingay. Maingay rin naman sa park pero mas peaceful doon hindi tulad sa arcade na siksikan at sobrang ingay. Since gusto ko rin ng fresh air at tamang tama sa ganitong oras e mas okay sa park.

"Park."

"Okay. I know a place," sabi nito before dragging me at the elevator. Natatawa na lang ako kasi sobrang excited nito habang hila ako papunta doon. 

"Wala ka na bang classes ngayon?" Tanong ko ng mapagtanto iyon. Hindi pa ba sila busy? As far as I know din kasi ay alam kong busy na rin mga college ngayon lalo na sila dahil nga 4th year na sila.

"None. Vacant namin," sabi na lang nito habang kinakalikot ang cellphone, "Akin na 'yung bag mo, lagay ko muna sa locker ko," sabi nito at siya na ang kumuha noon sa balikat ko. 

Hindi ko naman namalayan na nasa harap na kami ng locker nito, na sobrang organize ng loob kaya 'di ko mapigilan na mamangha. 'Yung akin kasi basta lagay na lang e. You know, pagkabukas ng locker basta tambak na lang and hindi aayusin. Tinatamad kasi ako. 

Hinubad na rin nito ang suot na coat kaya tumambad sa akin ang tone muscle nito sa braso kaya napalunok ako. That's... attractive.

She is just wearing a black sleeveless shirt with her fitted maong pants. Nakita ko rin 'yung isang tattoo niya sa may bewang nung tinaas niya ang kamay para itali ang buhok kaya ayan panic na naman si accla.

"Why are you so red?" Biglang tanong nito habang tinutukoy ang mukha ko na mala kulay kamatis na sa sobrang pula kaya bahagyang napatalon pa ako sa gulat bago mapaiwas dito ng tingin. Ang ganda, mga beh.

"W-Wala! T-Tsaka... Bakit mo ba kasi tinatanong?!" I said in a high pitched tone kaya naningkit ang mata nito because of doubt. Umiwas na lang ako ng tingin at naunang lumabas na. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now