Chapter 15

7.4K 264 48
                                    

Maaga akong gumising ngayong araw para pumunta sa condo ngayon ni Adira. Balita ko ay pumunta daw doon si Miss Ferrucci kahapon doon kaya hindi na nakapag turo. Hays, mga in love nga naman.

Nang makarating sa tapat ng pinto nito ay agad na akong kumatok with matching sigaw pa sa pangalan nito. 

"Adira!" Malakas ko nang sigaw habang nakatok pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. 

Tulog pa ata ang siste pero kasi 8am na. Start ng klase namin ay 9am at kung tulog pa siya at hindi pa handa para pumasok, paniguradong male-late kami. Buti na lang sana kung kasama siya sa papagalitan ni Miss Ferrucci e for sure ako lang sesermonan non!

Pwede naman kasing mauna na ako doon at hindi na sumabay sa kaniya pero kasi need ko din ng kwento niya. Aba, anong silbi ng pagkakaibigan namin kung hindi niya ikukwento sa akin, 'di ba?

Nang hindi na ako makapag hintay, kinuha ko na ang susi sa aking bag na binigay niya sa akin para pag papasok daw ako ng wala siya dito ay may sarili na akong susi. Ang bait ng babae na 'yan.

Pagkabukas ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang malinis na living room nito. Tumingin ako sa second floor ng condo niya at walang imik na pumunta doon. 

Ayon.

Nadatnan ko siya na nakahiga sa higaan habang nakangiti ng pinaka pangit. Yakap pa nito ang isa niyang teddy bear at sobra talaga napakalawak ng ngiti. 

"Adira," I uttered pero wala pa rin response si tanga kaya kinuha ko ang isang unan na malapit sa akin at binato ito sa mukha niya kaya naman napabalikwas ito sa pagkakahiga. 

Inis akong tumingin dito, "Hoy, Adira! 8 o'clock na! May balak ka pa bang pumasok? Dahil kung wala ay patay ka sa bebe mo!" Singhal ko kaya tuluyan na itong napabangon at inis na nakatingin sa akin. 

Aba't siya pa ang may ganang magalit!

Nakabusangot ang mukha itong umalis sa higaan at dumiretso sa closet niya para siguro maghanap ng susuotin. Umirap ako at bumaba para kumuha ng pagkain sa ref niya. Gutom na ako kahit kakakain ko pa lang.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Rinig kong tanong nito sa taas habang nababa ako ng hagdan. 

"Sasabay ako papuntang university!" Sigaw ko nang marinig niya at binuksan ang ref niya. Kumuha ako ng isang sprite at isang bag of chips. Balak ko siyang dalhin sa university ngayon. 

Hindi na ako nagtanong kung pwede pa kumuha o hindi dahil sinabihan na naman ako nito na kumuha na lang daw ako diyan. Nakakatuwa nga at lagi siyang may sprite e, favorite ko rin 'yon. 

Nanatili lang akong naghintay dito sa sofa niya habang nag c-cellphone nang bigla iyon tumunog na nagpagulat sa akin with my heart starting to beat faster than its usual.

Si Ate Sid lang naman iyon at ang parang naririnig kong boses nito dahil sa pagkakalambing ng chat nito ngayon. Namumula ang mukha na binuksan ko ang text message nito, hindi mawaksi sa isip ang mga nangyari noong isang gabi sa tapat ng condo nito. Umiling na lang ako.

Sidra Exie Tuazon

Good morning. Just arrived at university. Where are you?

Dione Chavez

Kay Adira. Sasabay ako sa kaniya.

Reply ko at hinintay ang ire-reply nito while biting my lower lip. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mukha. 

Dapat sumabay ka na sa akin. Anyways, I'll see you here. Go here safely.

Okay.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now