Chapter 21

6.6K 220 53
                                    

Nakaupong na naghihintay ako ngayon dito sa sofa ni Sidra while holding a cup of milk. Yes, milk dahil nag insist siya na iyon daw inumin ko. Ewan ko sa babaeng 'yon ang lakas ng topak.

Malakas na ang ulan sa labas at medyo malamig na rin ang panahon kaya suot ko ang oversized hoodie nito na nakita ko sa walk in closet niya kanina. Pinapasok kasi ako nito kanina sa room niya at pinakuha ako ng gusto kong suotin.

Nagluluto naman siya ngayon ng dinner namin habang nanonood ako ng movie dito sa TV niya sa living room. Inabot pa nga ako ng mahigit isang oras sa paghahanap ng panonoorin dahil wala talaga akong mahanap na gusto kong panoorin.

Nakatutok lang ako sa pinapanood when I felt a pair of arms engulfing me in a hug at the back and a swift kiss on my cheeks. Natigilan ako sa kinauupuan at pinakinggan ang mabagal na paghinga nito.

"Dinner is ready, mahal. Come on," bulong nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nilapag ko naman ang mug na hawak at kinuha ang kamay na nilahad nito.

Sabay kaming nakarating sa lamesa nito na may kanin na nakahanda at isang kaserola na natatakpan. She smiled at me bago ako paupuin sa tabi niya.

"I cook bulalo. That's your favorite, right?" Nakangiti nitong saad kaya naman nagniningning ang mata na tumango ako bago excited na naupo sa upuan. She noticed my behavior, that's why she laughed before opening the casserole.

Nagsandok na ako ng kanin sa aking plato habang siya naman ay naglalagay ng bulalo sa dalawang bowl, tig isa kami.

Nang matapos nitong malagyan ng pagkain ang bowl ay agad na akong sumubo at napapikit sa binigay na laso noon. I really can't deny that this woman is a good cook. She can do anything. Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin?

"I suddenly don't wanna eat," biglang usal nito na nagpatigil sa aking pagkain bago magsalubong ang kilay.

"Bakit?"

"I'm already full just by watching, honey," nakangiting dagdag nito na nagpairap sa akin pero ang pamumula ng mukha ay hindi maiwasan.

"Tigilan mo. Kumain ka diyan," nakanguso kong saad para maiwasan mailabas ang ngiti na gustong lumabas. Ang puso ko na naman.

She scoffed, "Wala ka talaga ka-sweet-an diyan sa katawan mo, 'no?" Naiinis na sambit nito kaya napatingin ako sa kaniya.

Napaayos ako ng upo bago mapangisi, "Baka pag pinakita ko sa 'yo pagiging sweet ko e pati asin langgamin, Sidra kaya 'wag na," mayabang kong saad at nagpatuloy sa pagkain.

"Tch, conceited much. E kung sumubok ka, huh?" Paghahamon nito kaya naman natigilan na naman ako sa akmang pagsubo ng pagkain.

"Ayoko nga," masungit kong saad kaya napairap na lang siya at kumain ng subuan ko siya gamit ang kutsara ko.

Bumalik lang naman sa katahimikan ang paligid at ang tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa hapag. There is a comfortable silence around that I can't break on how comforting it is.

It is really fascinating to find someone who can be in the same area with you in a comfortable silence.

"You can have my hoodie. You look adorable wearing that," nakangiting saad nito nang makalapit ako sa kaniya habang hawak ang isang bowl ng popcorn.

And here she goes again with compliments, na minsan ay hindi ko kinakaya.

Nandito na kami sa sofa, cuddling while watching her favorite anime; one piece. Hindi naman ako maka-relate sa pinapanood nito dahil hindi naman ako mahilig sa anime. She suggested it since na bored na ako sa pinapanood ko kanina.

"Oo, iuuwi ko talaga 'to," maloko kong saad that made her chuckle. Nang makaupo, I used her arms to be my pillow as she put her chin on the top of my head after kissing it.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now