Chapter 9

7.3K 265 20
                                    

"Sumali ka na kasi!"

"E sa ayaw nga nung tao! Si Adira tanungin mo," tukoy ko kay Adira, na hanggang ngayon ay wala pa. Iniwan kasi ako nito nang tawagin siya ni Ms. Ferrucci to talk about something.

Nang maalala ang kanina ay agad akong napasimangot dahil naalala ko na naman ang pinagse-send ng pinsan nito sa akin.

Hindi ko rin alam kung saan niya nakukuha ang number ko. 'Yung mga ka-close o kaya naman 'yung mga nanghihingi lang naman ang binibigyan ko ng number.

"Nahihiya akong kausapin si Adira e!" Kamot ang ulo na saad ni Xavier at bahagya pang namumula ang pisngi. Napabaling ako ng tingin dito bago maningkit ang mata.

Bakit ba lahat ng nakikilala ko e may gusto sa kaibigan kong 'yon? Sabagay maganda naman talaga si Adira, medyo baliw lang talaga minsan.

"Pota, bakit ka mahihiya e walanghiya ka naman?! Hala siya, 'yon ang guluhin mo!" Taboy ko pero umiling iling lang ito at inisod muli ang upuan papunta sa akin.

Pinipilit na naman kasi ako nito na isali sa math quiz bee sabi daw ng SSC President. Si Xavier kasi ang vice kaya siya na naman ang nautusan. Ayoko naman kasi sumali kasi dagdag isipin pa 'yan. Hindi na nga magkandaugaga buhay ko tapos dadagdag pa sila.

At saka andyan naman si Coleen para sumali. Mas magaling 'yan sa akin sa math.

"Payag na kasi! Ako nga payag e," nakangising sambit kaya masama ko itong tiningnan kaya agad din nawala din ang ngisi sa labi nito.

Inirapan ko siya at binalik ang atensyon sa ginagawa, "E 'di ikaw sumali. Payag ka pala e," I muttered so I heard him groaned again.

"Sige na! Lilibre na kita! Kahit one week pa 'yan!" Nakasimangot na sabi nito kaya napatigil ako sa ginagawa. An evil smile started to crept on my face as I look at his grumbled face.

Ang magic word!

"True ba 'yan? One week, ha?" Natatawa kong tanong kaya sinamaan ako nito ng tingin bago tumango, na para bang labag na labag sa loob.

"Oo na! Sumali ka na dahil pagod na ako utusan lagi ni Boss," simangot na sabi nito sa akin. Natatawa naman na tumango ako bago mapailing. Basta pagkain, go ako! Aba, gipit na gipit na ako dito.

"Pumayag ka na, ha? Wala ng bawian---"

Napatigil ito sa pagsasalita nang marinig namin ang kalabog sa lamesa. Gulat kaming napabaling doon at nakita ang mukha ni Ma'am na halatang wala sa mood at handa na mambigwas ng kung sino sa sama ng timpla nito.

My classmates started to cower their heads in fear pero nanatili ang akin na nakatingin dito hanggang sa nanlaki ang mata. Wala pa si Adira. Lagot ka na naman at late ka, anteh.

"Stand up."

Ms. Ferrucci firmly stated before roaming her eyes inside. Nakayuko lang naman ang iba sa amin at ang iba ay pinaglalaruan ang mga gamit na makukuha ng kamay nila. 'Di ko naman mapigilan na mapangisi sa nakikita. Takot yarn?

"Chavez."

"Ma'am?" Gulat kong baling dito bago mapalunok ng makita ang mukha nito na sobrang dilim.

"Lead the prayer," sabi nito at binuksan ang laptop para i-prepare ang idi-discuss ngayon. 'Di ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi nito.

Prayer? E hindi nga ako marunong non! Alam ko lang ata na dasal e 'yung sinasaulo pa, 'yung angel of God. 'Yon! Naalala ko pa naman hanggang ngayon. 'Yun kasi dinadasal namin nung grade 1.

"You're wasting time, Chavez," madiin na saad nito pero ang tingin ay nasa laptop. Kinakabahan na pumunta ako sa unahan at humarap sa mga ulupong.

Sige, magsitawanan kayo. Hambalusin ko kayo ng laptop ni Ma'am, tingnan niyo.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now