Chapter 7

7.5K 245 17
                                    

"Putangina mo."

Nanlalaki ang mata na bumaling ako dito at tinuro siya na para bang may ginawa siyang illegal. Asar lang naman siyang nakatingin sa akin bago ako hampasin sa balikat. Napadaing naman ako at napanguso.

"Bakit mo kasi pinakita?" Gigil na saad nito at muli akong kinurot sa tagiliran. Napatayo naman ako sa sakit at kiliti dahil doon.

"E hayaan mo na! Nangyari na e!" Nakabusangot kong saad pero inirapan lang ako nito at pinagkrus ang mga braso while mumbling incoherent words, na hindi ko na pinansin kasi puro mura lang sinasabi niya doon.

Nandito kasi kami ngayon sa classroom. Kakatapos lang namin mag quiz sa isang terror na professor at eto, nasakit na naman ang ulo ko dahil halos piniga ko talaga ang utak ko kanina na akala mo'y midterms na. 

Shuta naman kasi bigla na lang nagpa-quiz nang may nakita na natutulog sa klase niya. I mean, magagalit ka naman talaga pag may nalaman mong may natutulog sa klase pero, come on! Hindi kailangan idamay buong klase dahil lang doon lalo na kung hindi ako nakikinig. 

Oo, mga 'te. Hindi ako nakikinig dahil hanggang ngayon ay pagod ako kakaiwas sa isang tao na 'yon. 

Well, after kasi mangyari ang ginawa nito doon ay awkwardness started to consume us. Hindi naman sa naging uncomfortable ako noon but I just felt something weird, na sa una pa lang ay iniiwasan ko na maramdaman dahil natatakot ako.

Tulad na lang last week noong dinampian niya ng halik ang noo ko. There's the feeling of secure pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdaman ng takot dahil doon. Dagdag pa na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko noon at takot ko lang na marinig niya iyon.

"Dione? Ayos ka lang?" Tanong ni Kale dahil after ko maupo sa upuan sa cafeteria ay agad kong nasapo ang noo dahil nasakit talaga.

Ngumiti ako, "Yeah, good."

Sobrang ingay ngayon sa cafeteria dahil break time din namin ngayon 'yun nga lang nakakadagdag lang 'yon sa sakit ng ulo ko. 

Tangina talaga ng Biology.

May narinig naman ako kausap sila Adira pero hindi ko na rin 'yon pinansin dahil sapo ko pa rin ang aking ulo. Bahala sila diyan. 

"Hoy! Order mo, ano?" Kulbit sa akin ni Kale kaya napaangat ang aking tingin dito bago mapatingin sa pwesto ni Adira, na ngayon ay kasama ang dalawa niyang pinsan.

'Yung isa masayang kinakain ang pringles niya habang ang isa naman ay masamang nakatingin sa akin pero may halong pag-aalala sa kabila noon. 

Ipinagsawalang bahala ko iyon kahit na nagsisimula na naman magrambulan ang hayop sa aking tiyan at pagkabog ng nasa dibdibat sinabi kay Kale ang gusto kong kainin ngayon.

She is still looking at me. That made me hold my head down not only because of shyness but also because of nervousness.

"Bakit parang stress na stress ka diyan, Dione?" Agad na napabaling ang aking tingin sa isa pang pinsan ni Adira na si Felicity habang natutuwa na nakatingin sa akin.

Sayang saya pa siya na nagiging ganito ako dahil sa pinsan nilang papatayin na ata ako sa sama ng tingin niya.

Ramdam ko pa rin ang titig ng isa pa nitong pinsan kaya hindi ko maiwasan mapalunok at pilit na ibinusangot ang mukha bago sisihin si Adira. Sorry, Adira. 

"Si Adira kasi!" Nakabusangot ang mukha na saad ko at binaling na kay Adira ang tingin. Napamaang naman ito at napaka arteng sinapo ang dibdib e wala naman siya non! 

"Anong ako?" Nagtataka nitong tanong habang tinuturo ang sarili. Nagsimula naman akong mag isip ng palusot dito kahit na nararamdaman ko pa rin ang mga nakakapasong tingin ng aking katapat. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now