Chapter 35

6.5K 223 80
                                    

Tahimik at puno ng awkwardness ang nararamdaman ko habang nakaupo kami ng magkatapat dito sa pinareserve nitong table dito para makipag usap.

Naka order na rin siya ng kaniyang kakainin habang ako ay tubig lang dahil hindi rin naman ako magtatagal dito. As soon as malaman ko na ang totoo, aalis din agad ako. Naaalibadbaran lang ako sa mukha niya, na gusto ko ng gusutin dahil sa inis.

"Are you sure you don't want to order some food? The food is good here." Tumatango pa ito habang nakatingin sa akin pero hindi ko pinansin ang sinabi niya at umayos na ng upo to get into business.

"Why are we here?"

Napatigil ito sa ginagawang pagkain bago mapabuntong hininga, "Did you receive the same message as me?"

I just nodded my head at iniwas ang tingin sa kaniya. Nanumbalik ang litrato nila na nakahiga sa isang higaan habang naka taklob ng kumot and I can't help but feel my heart throb in pain.

Pinilig ko ang aking ulo at inangat na ang tingin sa kaniya. She is now looking through my eyes but I can see how she's smiling within those eyes. Kinabahan ako sa nakita.

"It's true." Ngumiti na ito sa akin in victory, "It happened between us."

I clenched my fist sa pagpigil ng galit bago ipilig muli ang ulo. No, I trust her. She won't do this to me. I can't just believe this woman's word for all I know she's crazy as hell.

"I don't believe you. She will never do that to me—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ay may nilapag itong isang cellphone. Nagtataka ko itong tiningnan pero ginawad lang nito ang tango sa akin, saying that watch the video she just gave me.

Alanganin kong kinuha iyon at agad na pinanood ang video. Buti na lang ay nakamute ang audio so wala itong sounds ngayon. It was her and… Sidra.

Pain.

That's the only thing I'm feeling right now. And it's excruciating.

I can see the video so well and it was her. Long dark hair, her slender arms, kita ko dahil nakatagilid ang view sa akin and I can also see how Samantha's hands roam my own girlfriend's body.

Dahil sa hindi ko na kinaya, hinagis ko pabalik sa kaniya ang phone ng mabigat ang paghinga. Nangingilid na rin ang aking luha habang ang mga kamay ay bahagyang nanginginig sa nararamdaman na galit.

Fuck.

"Do you believe me now? I am telling you, layuan mo na siya nung una pa lang dahil kahit anong mangyari…" she gave me a smirk, "Sa akin pa rin naman siya uuwi. Now, look at you; hurting as hell."

"For someone like you, Ms. Reyes. I didn't know that being a mistress is something to be proud of."

Nakita ko ang pagbalatay ng gulat bago mapalitan ng galit ang mukha nito.

Right after I said that, I quickly gathered my things at hindi na siya pinakinggan sa kaniyang mga sasabihin. Tinawagan ko si Papa na nandoon lang sa parking lot nitong restaurant.

He immediately gave me a worried face ng makita nito ang aking sitwasyon bago ako yakapin ng mahigpit.

"What happened? Did she really—"

"I want to go home, Pa. I want to rest." Mahina kong usal at nauna na pumasok sa kotse. My tears badly want to come out right now.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na din naman ako dumiretso sa aking higaan dahil kanina pa talaga ako nagpipigil ng luha na ilabas. Hindi ko na din napansin ang ilang pagbati ng ibang kasambahay namin dito.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now