Chapter 27

6.8K 196 56
                                    

"Gutom na ako." Biglang usal ni Soleil sa tahimik na byahe namin. Medyo pasikat na rin ang araw at matagal tagal na rin kaming bumabyahe para makarating doon.

Tumingin ako sa aking relo at nakita na 5:30 na ng umaga. Naalala ko na dapat ay kakain ako ng agahan. Naghintay lang naman ako ng magiging desisyon ng dalawa.

"Where to?" Parang pagod pa na tanong ni Miss. Mukhang inaantok na ata. Kanina pa kasi na siya 'yung nagda-drive kahit na nag i-insist si Soleil na siya muna pumalit. Ayaw naman nito dahil wala daw siyang tiwala kay Soleil at iyon nga ang dahilan ng pagtatalo nila kanina.

"Pag may nakita tayong bukas na store," Soleil uttered habang patingin tingin sa paligid. Napasandal naman ako sa upuan at hinintay na may mahanap na store si Soleil.

Maya maya ay nakahanap na rin si Soleil kaya mabilis na nag park si Miss sa isang parking space at nagtanggal ng seatbelt.

"Go." Usal nito pero nilahad ni Soleil ang kamay nito doon ng nagpakunot ng noo ni Miss Gomez, "What?"

"Pahiram credit card," sabi ni Soleil na parang bata.

"Ano?!" Histerikal na sabi ni Miss dito bago humalukipkip, "I'm not your sugar mommy!"

"Hala! E anong ibabayad ko?"

"E 'di 'yung sariling card mo! Ano bang katangahan na naman 'yan, Soleil?" Naiinis na pahayag nito kaya muli na lamang ako napasandal sa backseat.

Sige, magtalo muna kayo.

"Ayoko nga—"

"Aba't— hoy! Napakayaman mong tao tapos kung makapang buraot ka daig mo pa si Dione!" Inis na inis na si Miss sa pagkakataon na iyon at handa na bigwasan ang katabi pero piniling suotin na lang ang seat belt.

Napakunot ang aking noo. Ba't nasali ako dyan?

Mukhang aalis na ito kaya agad ko itong pinigilan dahil may bibilhin ako.

"S-Saglit lang! Bibili ako," sabi ko at handa na sana akong lumabas pero pinigilan pa ako ni Soleil.

"Sama!"

"Magdala ka ng wallet mo!" Sabi ko pero napasimangot lang ito bago kami tingnan isa isa.

"Pag kay Astraea, palong palo," rinig namin na bulong ni Miss Gomez kaya mabilis na lumingon doon si Soleil at binigyan ito ng masasamang tingin si Miss.

"At least, may nililibreng maganda, ikaw?" Mayabang na saad nito kay Miss habang nakataas ang isang kilay, iniinggit ang guro.

Tumaas din ang isang kilay ng guro, "May nililibre akong maganda, bahay pa nga binibili ko e."

Napasimangot doon si Soleil, "Ang yabang mo—"

"Tama na nga! Palibhasa pareho kayong walang jowa!" Sabat ko kaya pareho din nila akong sinamaan ng tingin.

"Oh? At least hindi kabit—" agad akong nag react sa sinabi ni Soleil at binatukan ito. Aba't foul 'yon ah!

"Tara na nga!" Sabi ko, wala na sa mood para kumain dahil puro away lang naman nagagawa namin dahil ayaw gumastos nung isa at ayaw magpalibre nung isa. Pisteng samahan 'to.

Nakarating kami sa pag m-meet up-an namin nila Adira. Saktong pagbaba namin ay sakto din na pagdating ng sasakyan ng kung sino.

"Fucking Costales is now here also," Miss Gomez uttered. Nagkatinginan na lang kami ni Soleil bago irapan ang isa't isa bago bumaba ng kotse ni Miss.

Nang makalabas kami ay nakita agad namin ang nakasimangot na mukha ni Felicity habang papalabas ng kotse. Si Miss Costales naman ay makikitang aligaga na nakatingin sa isa pero hindi pinupuntahan.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now