Chapter 16

6.3K 243 67
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa pinakagilid ng kwarto, dito sa library. Kasalukuyan akong nagre-review for our upcoming exam na malapit na daw maganap pero 'di pa nila alam ang exact date dahil madami pa daw discussion ang nangyayari, according to Miss Ferrucci.

Kaya ngayon, kahit hindi pa nila alam ang exact date ng exam ay nagsimula na akong mag review para hindi ako ngarag once the exam started.

It's currently 1pm pa lang and hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakain ng lunch dahil hindi ko na namamalayan ang oras pag ako ay talagang nagbabasa ng kung ano.

I got up from my seat and grabbed all the things that I had scattered earlier while I was studying when suddenly someone just sat on the chair in front of me.

It was Samantha smiling at me while holding her iced coffee at may hawak din siyang libro about sa course niya.

MedTech.

Mukhang 4th year na din siya katulad ni Ate Sid kaya siguro kilala niya iyon. Naalala ko kasi last time na nakita ko nga pala sila last time na sabay papunta sa hospital nitong university kaya nagtaka pa ako nung una.

Natigil ako sa pag iisip bago ko siya ngitian at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit. Gutom na kasi talaga ako.

Nang matapos sa pag aayos ng gamit ay tumayo ako at saglit na binalingan ng tingin ang babae na nasa harap at binigyan siya ng ngiti, to at least bid my goodbye to her. It's rude na aalis lang ako ng walang paalam e kahit papaano naman ay acquaintance na kami nito.

Akmang maglalakad na ako papaalis nang marinig ko na nagsalita ito, na nagpatigil sa akin.

"Excuse me," she said, "Dione, right?" Tumango ako sa tinanong nito kaya lalong ngumiti ito. It's not a sarcastic or anything but a sweet smile.

"Yes po."

"You're on your first year here?" Maingat na tanong nito sa akin. Alanganin akong tumango before unconciously looking at my I.D lace with the initial of the name of our department.

"Yeah," ngumiti ako ng maliit, "We're on a same department, I think?" I chuckled kaya natawa siya bago tumango.

"And you're a friend of my Sidra."

Natigilan at nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ang sinabi nito bago tumingin dito ng walang ekspresyon sa mukha.

I tilted my head to erase the thoughts that I'm having at the moment.

Her Sidra? She owns Sidra? Did I hear that right?

"Ah... yeah," sagot ko kahit na unti unti nang nawawala ang aking mood sa pagkakataon na iyon. Sinagot ko na lang ang sinabi nito kanina lamang bago ituro ang pinto ng library.

"I'm going na po. I need to eat," sabi ko ng hindi nangiti. I stormed out of the scene with foul mood and lahat ata ng madadaanan ko ay gumagawa ng daan para makadaan ako.

Just how dare she just own her like that? It's not my place to be angry because some lady just claimed my suitor to be theirs but what the fuck?

Yes, hindi pa kami but can't I gatekeep Sidra already?

Gosh, this is making me mad.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla na lamang ako may nakabanggaan at ang worst pa ay natapunan ako ng nakakapaso na kape sa white shirt ko na puti.

"Fvcking shit," I blurted out when I felt the sting on my chest. My books are now scattered on the ground. It is now wet, like my shirt right now.

Lalong uminit ang aking ulo at napapikit na lamang habang pinapakalma ang buong isipan dahil baka magwala na ako dito.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now