Chapter 32

6.1K 219 39
                                    

"Ayos ka lang ba talaga, Dione? That's your fifth time, throwing up." 

Ayon ang naging pahayag ni Papa nang nakaramdam ako ng nasusuka. Yes, it's true na pang limang beses ko na ang pagsusuka and para 'yung lahat ng kinain ko ay nailalabas ko. 

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa bahay ni Papa para doon mag work ng thesis namin. Masyado na rin kasing malayo pag galing pa ako doon sa condo tapos pupunta pa ako ng school. Medyo hirap din sa byahe lalo na at wala pa akong sasakyan na gagamitin. 

"Nahihilo ako, Pa." Usal ko bago umupo at yumuko sa dining table. 4 weeks na akong ganito at hindi ko na alam ang gagawin. Bakit ba kasi bigla akong nagkaganito? Hindi din ako maka-focus sa paggawa ng thesis namin. 

"You're dizzy?" May mahihimigan sa boses ni Papa pero hindi ko iyon mawari dahil nahihirapan talaga akong mag function today. 

"I don't have to repeat it, Dad." Nanghihina kong saad and that's when I heard my father sigh.

"Tigilan mo muna thesis mo—" 

"It's okay. I—"

"Hindi ka mag isa sa grupo niyo, Dione. Huwag mo na ipagpilitan pa." Matigas ang boses na saad ni Papa bago ako alalayan para makatayo. 

Habang naglalakad ay narinig ko na nagtanong ito that made me stop my steps to go upstairs.

"Are you craving something?" 

"I'm not pregnant, Pa. Don't put meanings on my—"

"I didn't say you were." Mabilis na sabi nito sa akin habang nakakunot ang noo. Akmang magsasalita na siya pero inunahan ko na agad ito ng nakakunot ang noo at nasasaktan sa sinabi niya.

Isa pa 'to. Masyado akong emotional lagi pag may nasasabi sila na nagpapasakit sa damdamin ko. Well, it makes us very emotional naman talaga when they say very offensive words to us pero ako kasi kahit 'di siya ka-offensive, naiiyak ako.

"You made me feel like it." Kumibot ang aking labi and was about to cry but he immediately shushed me by giving me a side hug.

"Sorry, 'nak. Baka lang k-kasi gutom ka, nag aalala lang ako." He fatherly said to me kaya tumango na lang ako at naglakad na papataas para makapag pahinga muna saglit. Actually, those papers are giving me a headache.

"Do you need something?" Umiling lang ako sa tanong ni Papa at pinikit ang mata. Inaantok ako bigla and baka dito din mawala 'yung sakit ng ulo ko pag natulog ako.

"Wala, Pa. I'm going to sleep." Sabi ko na lang bago maramdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mata. 

Ilang oras ata ako nakatulog dahil pagkagising ko ay 3pm na ng hapon. Mga bandang 10am ako nakatulog tapos ngayon lang din ako nagising kung kailan nakaramdam ako ng malalamig na haplos sa aking buhok dahil sa mga suot nitong singsing sa daliri.

Minulat ko ang aking mukha at bumungad sa akin ang mukha ni Sidra na malambot ang mga mata at nakangiting pinagmamasdan ako habang tulog. Kung ibang tao ito, I might find it creepy but this girl right here is far from being creepy. She looks angelic as she looks at me with those lovely brown eyes.

"Good afternoon, my love. I heard masama daw pakiramdam mo." Usal nito ng makita na tuluyan ng nakabukas ang aking mga mata. Tumango ako dito at nginitian siya.

"Yeah, earlier." Pagtango ko dito kaya kumunot ang noo niya.

"Hindi na masakit ulo mo?" She softly asks. Umiling naman ako at sinubukan umupo. Inalalayan naman ako nito as she sat on my side with her side facing me and her front facing the window. Nakabaling ang mukha nito sa akin ng nakangiti pa rin. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora