Chapter 24

6.1K 195 31
                                    

I was busy teaching Nick on how to read dahil nagsabi ito sa akin na gusto niya na matuto magbasa ng Tagalog. Hindi ko pa nga inaasahan iyon dahil akala ko talaga ay maalam na siya dahil nakakapagsalita ng English pero hindi pa pala.

1pm na rin at medyo mainit na rin sa labas kung doon pa kami mananatili kaya pinapasok na muna kami dito sa loob. Buti na lang at aircon kaya hindi talaga mainit. 

Parehas na nagulantang kami ni Nick nang marinig namin ang biglaang pagtunog ng cellphone ni Sidra sa aming tapat kaya naman napaangat ang aming tingin sa kaniya. 

She gave us an apologetic smile before excusing herself na tinanguan ko na lamang. 

Kanina pa rin kasi siya nanonood samin dalawa at minsan ay kinukuhanan ng picture at ngingiti ng mag isa. Tinanong ko nga siya kung pangit ba ako doon sa picture kaya siya natawa pero sinabi lang nito na we look cute daw at hindi na pinatingin sa amin ang litrato.  

Hindi ko nga alam kung maniniwala ako o hindi dahil hindi niya naman pinapakita 'yung picture. 

"Ate Ganda," napatigil ako sa pag iisip ng bigla akong tawagin ni Nick. Binigyan ko ito ng ngiti bago ibinababa ang mukha para makabulong ito.

"Yes?" 

"Are you in a relationship po with Ate Sidra?" Inosente nitong tanong while giving me those eyes. Hindi ko naman alam ang isasagot hanggang sa nalaman ko na lang na tumatango ako sa tinanong nito.

"Y-Yes," utal kong sambit matapos tumango. His face held amazement before turning into excitement.

"Really? I knew it. You guys look good together." Masaya nitong pahayag kaya hindi mapigilan ng aking puso na lumambot ng ma-witness iyon. 

Pinaayos ko naman ito ng upo sa aking kandungan, "How can you say that we're together, though?" 

He gave me an innocent look, "I saw the way you two look at each other po." 

Muli akong nagulat nang sabihin iyon sa akin ni Nick. Hindi ko alam at mas hindi ko matatanggap na mas matalino pa sa akin itong bata na 'to! Jusko!

"Really? How do we look at each other?" Amuse kong tanong kaya naman excited itong humarap sa akin. 

"Well, for Ate Sidra, it looks like you're her treasure po. Her eyes sparkle every time she's looking at you." 

"You s-saw that?" Hindi ko maiwasan na mautal at mamula sa sinasabi ng bata na 'to. 

Nick just nodded and smiled sweetly at me. 

Every word he's saying about how my girlfriend looks at me, makes my heart pound and I can't help myself but to fall for her harder.

Nyemas, baka ine-echos lang ako ng bata na 'to, ha? Sisisihin ko talaga 'to! Nakakainis naman e, huhu!

Umayos ako ng upo, "Well, how do I look at her?"

"Hmm…" Nag isip pa.

"It looks like she's the best thing that has ever happened to you." 

He didn't lie on that part. She really is.

"Wow. You… You're very… observant, huh?" Natatawa pero medyo naiiyak na usal ko at ginulo ang buhok nito, "You're such a genius." 

He shook his head, "No. Every one of us can tell that you guys are in love with each other, Ate Ganda. Tanungin niyo pa po si Nanay Tessa." Tinuro pa ang matanda.

Oo na! In love na ako! Inis ha.

"Sure, bud." Naiiling kong saad at muli na binuksan ang libro na binabasa namin kanina pero muli itong nagsalita na dahilan na naman ng muling paglambot ng aking puso. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now