Chapter 12

6.7K 249 38
                                    

"Hindi niyo pa rin ba sasabihin? Kanina pa ako dito," medyo may pagkainis kong usal habang ang mukha ay nakatuon kay Mama at dito sa lalaki na kasama niya, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.

Bago kasi ako dumiretso doon sa pupuntahan namin ni Ate Sid ay pinadiretso na muna ako ni Mama dito dahil may sasabihin lang daw siya sa akin. Pwede naman sa text na lang pero pinagpilitan niya talaga na sa personal na sabihin kaya napagtanto ko na importante ang kaniyang sasabihin.

Nagkatinginan muna ang dalawa bago umayos ng upo si Mom, tila hinahanda ang sarili sa sasabihin o kaya sa magiging reaksyon ko.

"So," panimula nito kaya napaayos din ako ng upo. Hindi ko rin naman maipagkakaila na kinakabahan ako sa sasabihin nito ngayon.

"This is Engr. Ethan Vallejos," napatingin ako sa lalaking pinakilala nito at napatango.

"And?"

Napatikhim si Mom at napatuwid ng likod, "H-He's, um, the friend that I've been talking about," napaisip ako sa sinabi nito.

Friend. 'Yung pinagseselosan ni Dad ever since? The childhood friend?

Dahil sa naisip ay kumunot ang aking noo at binalingan ng tingin ang lalaki. He is very handsome like my Mom said. Napakalinis nito kung titingnan dahil napakaayos ng buhok nito. Kahit bahid ng dumi sa damit nito ay walang makikita.

"Then?"

"Here's the thing, anak," kinakabahan na ani ng aking ina. She held the Engineer's hand before clasping their hands together. Nanatili ang mata ko doon, watching their every move.

"You know that I'm pregnant, right?"

Kahit narinig ko na sinambit na niya ito dati ay 'di ko pa rin mapigilan na mahigitan ng hininga sa nararamdaman. Masakit pa rin talaga isipin na may anak si Mom na hindi kay Dad.

Napalunok ako, "A-And?"

"Siya ang ama ng dinadala ko ngayon, Dione." My Mom started to avoid my eyes after stating that.

Mabilis na napabaling muli ako sa lalaki na may luha ng nagbabadya ng lumabas sa aking mga mata.

Napayuko ako para pigilan ang luha na lumabas at hindi na muling tiningnan ang mga mukha nila na naaawang nakatingin sa akin.

I don't need their sympathy dahil sila lang din naman ang gumawa nito sa akin--- kung bakit ako ganito ngayon.

"Is that all?" Nanginginig ang boses nang sambitin ko iyon. I started to play with the ring on my fingers para mapabaling ang atensyon ko sa iba at para na rin mawala na ang nagbabadyang luha sa aking mata.

"We were planning to fly to U.S pag natapos na ni Ethan 'yung isa niyang project dito," and she dropped the bomb.

Doon na isa isang bumagsak ang luha ko habang nakatingin ng 'di makapaniwala sa aking ina. She is just staring at me, apologetically na akala niya ay mababawasan ang nararamdaman ko at the moment.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki, "And how many months left?" Kinakabahan kong tanong dito. Napatingin naman siya kay Mom bago sambitin ang buwan na natitira nila dito sa Pilipinas.

"Just 5 months."

Napailing ako, "You can't leave, Ma."

"I need to---"

"Alam mo naman kung gaano ako kontrolin ni Dad, Mom!" Naiiyak kong sigaw dito. Napamaang siya sa aking inakto bago mapapikit na para bang pinipigilan ang sarili.

"Aren't you being selfish right now, Dione?" Nagtitimpi na sambit nito sa akin. Doon ako napamaang bago matawa ng pagak.

"So, I'm being selfish right now---"

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now