Chapter 8

7.4K 286 21
                                    

Nakabusangot ang mukha na sinarado ko ang pintuan ng aking condo. Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin nila sa akin ng nakakunot ang noo pero napairap lang ako sa kawalan at nagmartsa papuntang elevator.

Agang aga badtrip ako. 

Kagabi pa ako bad trip, actually. Aba, sino ba naman ang hindi maba-badtrip? Hindi na nga ako sinipot kagabi nung babae na 'yon e late pa magsabi ang prof namin na may quiz daw kami ngayon!

Since hindi nga sumipot 'yung babae na 'yon, e 'di late ako nakauwi at late na rin nakatulog kasi nga naghintay pa ako doon ng mahigit tatlong oras at nag review pa ako.

Ang mas nakakainis lang e kagabi pa may nag t-text sa cellphone ko na kung sino kaya hindi ako medyo makapag focus sa pagre-review. Malay ko ba kung sino 'yan, unknown nakalagay e.

Nasa labas na ako ngayon ng building at kasalukuyan naghihintay ng taxi para makapunta na ng university. 7am pa lang naman pero traffic na siguro papuntang university. Bakit kasi nagsabi pa na may quiz e! Gutom na rin ako!

Akmang tatawagin ko na sana ang papuntang taxi sa akin nang may mahagip ang aking mata na may nakaway sa akin. Agad na napairap ako at hindi pinansin ang babae, na papunta ngayon dito habang sakbit sa siko ang helmet. 

"Dione, w-wait---" 

Hindi ko na siya pinansin at agad na pumasok sa taxi nang tumigil ito sa aking harap.

Ewan ko sa kaniya! Matapos niya akong hindi kitain sa parking lot kagabi, kakausapin niya ako na parang wala lang? E 'di wow talaga. 

Tumingin lang ako sa bintana habang nakabusangot ang mukha at ang mga braso ay magkakrus.

"Saan ka punta ngayon, Ma'am?" Mabait na tanong ng driver, na hindi ko nililingon kanina pa.

Bago ko pa mapigilang ang sarili ay nasabi ko na ang hindi dapat sabihin kaya napatampal ako sa bibig.

"To the moon."

"Roadtrip?" 

Natawa na ako ng malakas nang sabayan ni Manong driver ang aking sinabi. Tumawa rin naman ang matanda habang napapailing sa akin.

"Mabuti naman at tumawa ka na ngayon, Ma'am. Mukha ka kasing galit kanina." Marahan na saad nito kaya napangiti ako at napatango. 

"Opo, badtrip lang po ngayong umaga," sabi ko kaya napatango ang driver bago tingnan ako sa salamin. 

"O, saan ka nga ngayon, 'nak?" Nakangiting sambit nito, na nagpangiti rin sa akin. Ka-good vibes si Manong, kahit bungi ay sobra ang pagkakangiti.

"Eastwood po," magalang kong sabi kaya namamangha naman na tumango tango ang matanda. 

"Aba'y mayaman ka pala, ano?" Natatawa nitong sabi pero napailing lang ako ng nakangiti. 

"'Yung magulang ko po ang mayaman," naiiling kong tugon sa sinabi nito. Manong just smiled at me before his eyes turn in gloomy one. Nagtataka akong tumingin dito.

"Pangarap ng apo ko diyan na makapag aral noon pa man," napabuntong hininga ang matanda, "Pero, hindi kaya ng budget namin kaya nagta-trabaho lang siya ngayon para makapag-aral ang kapatid niya." 

Hindi ko naman maiwasan na makadama rin ng malungkot nang sambitin niya iyon. Kitang kita ko sa mga mata niya na gusto niyang tulungan ang apo pero hindi magawa dahil matanda na rin siya. 

Kung sino pa talaga ang gustong gusto na makapag aral sa ganitong paaralan ay siya pang hindi makapasok. 'Yung ibang estudyante kasi sa Eastwood ay mayaman nga, mga pinapabayaan naman ang pag aaral at winawaldas ang hindi nila pera. Their parents work hard for it and yet they're just wasting it. Instead of helping others, they use it for unimportant things, na wala naman magagawang maganda sa buhay nila. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now