Chapter 34

6.1K 175 36
                                    

Nagising ako sa isang katok sa pinto ng aking pintuan habang ako ay natutulog sa aking kwarto ngayong hapon. Wednesday ngayon at hindi ako pumasok ngayon dahil holiday. Alangan naman pumasok pa ako e holiday nga. Napakasipag ko naman na tao kung papasok pa ako ng holiday.

Bumangon ako sa pagkakahiga at papikit pikit na pumunta sa pintuan para buksan iyon. Bumungad naman sa akin si Papa who is now wearing an apologetic smile. Dahil siguro ay nalaman nito na naistorbo niya ang tulog ko. Ngumiti ako sa kaniya to ease his mind. Kanina pa rin naman ako natutulog and I think 4pm na rin ng hapon. Baka hindi na ako makatulog ngayong gabi.

“Bakit po?” Tanong ko at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

“Your mother is downstairs. She wants to talk to you.”

Nagulat ako sa tinuran nito at biglang nawala ang pagkaantok. Kailan pa dumating si Mama? Alam ko ay nasa U.S pa ito dahil alam ko doon na siya mag stay for good. Ayon ‘yung nasabi niya nung huling usap namin and wala na akong narinig sa kaniya after that though nangangamusta pa rin naman siya.

“Si Mama? I thought she was in the U.S? Nanganak na ba ‘yon?” Sunod sunod kong tanong pero nagkibit balikat lang si Papa, telling me he has no idea bakit nandito pa rin si Mama sa pinas.

“No idea. Malaki na ‘yung tiyan niya. I think hindi pa sila nakakaalis.” He said melancholy. Naawa naman ako sa sitwasyon ni Papa kaya napa buntong hininga na lang ako and decided not to ask questions.

“Where is she? And why is she here?” Mataman kong tanong. Napakamot sa batok si Papa at binigyan ako ng pilit na ngiti.

“I-I… Nasabi ko kasi sa kaniya na ano ka…” sabi niya sabay kamot ulit sa batok. “I’m sorry. I just spilled without actually telling you. You know I can’t keep secrets from her.”

Imbes na mainis ay napangiti pa ako sa karupokan ni Papa. Even though nagloko si Mama sa kaniya, he still has this unconditional love for her ex-wife. I felt sorry for him but I think he also made mistakes in the past. But still, I don’t tolerate cheating lalo na’t you’re already committed to someone. They both made mistakes on their part.

“It’s fine. Malalaman pa rin naman niya,” turan ko na lang at lumabas sa aking kwarto, “Let’s go downstairs na po.”

Pagkababa namin ay bumungad sa akin ang likod ni Mama na nanonood ng TV sa sala. Nagulat pa ako ng makita ko na pinapanood ang sponge bob na kanina lang ay pinapanood ko kaya dali dali kong kinuha ang remote at ni-pause iyon.

Inis akong bumaling kay Mama hanggang sa uminit ulit ang ulo ko when I saw my tub full of strawberries and a jar of chili oil on the table. Talaga naman kinuha niya pa ‘yung foods ko sa ref without asking me! Galing pa yan sa Baguio when I ask Sidra to buy me some. Gosh, consent is a must lalo na kung naglilihi ka!

“Ma! Who told you to get those?!” Nag aalburoto kong tanong kaya gulat na tumingin ito sa akin galing sa panonood.

She looked at me, weirdly, “I got these from your fridge. Bawal na ba ako kumuha?” Sabay kagat sa hawak na strawberry. Sumama ang timpla ng mukha ko at tumingin sa mga maids ni Papa.

“Manang?”

Napakamot si Manang sa batok, “E hindi na namin mapigilan si Ma’am, ‘nak.” Paliwanag nito kaya naiinis na kinuha ko ang tub at ang garapon bago binigay kay Manang.

“What the— Hey!” Saway nito pero hindi ako nakinig at mas ipinagtulakan kay Manang ang mga hawak.

“Put those in my fridge, upstairs, in my room.” Mataray at nagdadamot kong saad bago maupo sa tapat na sofa ni Mama ng nakabusangot ang mukha. “Why are you here? To eat my food?”

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now