Chapter 38

7.3K 265 82
                                    


"Pa!"

Ayon agad ang aking bati kay Papa na ngayon ay nakahiga sa hospital bed dito sa Tuazon's Medical. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi at yakapin ito ng makalapit ako. Narinig ko lang naman ang pagtawa nito kaya napasimangot ako.

"Anong nakakatawa diyan, Pa?" Inis at medyo nag aalala kong tanong. Natawa lang naman lalo ang matanda at ginulo ang aking buhok.

"Gosh, you've grown up. You grew up beautifully. How's my Engineer?" Sabi ni Papa at dahan dahan na bumangon para mapasandal.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan, Pa. How are you feeling?" Tanong ko dito kaya saglit itong natawa ng mahina at tumango tango.

"Ayos lang ako," sabi nito at ngumiti sa akin kaya muntik na naman akong mapahikbi buti na lang dinaluhan agad ako ni Mama.

"Bakit mo naman kasi tinago sa amin na may sakit ka pala? E 'di sana mabilis pa natin na agapan 'yan, Pa!" Inis at may pagkalungkot kong saad. He just chuckled at me.

"Tinago ko sayo dahil ayoko na mag alala ka pa while you're chasing your dreams. Alam ko na uuwi ka ng Pilipinas pag sinabi ko agad sa 'yo itong kalagayan ko..." his voice is hoarse when he said that tanda na malubha na talaga kalagayan ni Papa.

"Kaya ko naman pagsabayin—"

"You have your child, Dione. I need you to focus on Astrid. You have your own responsibility now, Dione."

Tuluyan na ako naiyak sa sinabi nito at muling niyakap siya dahil sa magkasamang saya at lungkot ba nadarama ko ngayon.

"Speaking of Astrid, where is my granddaughter?" Tanong nito at tiningnan ang aking tabi kung nandoon si Astrid kaya napangiti ako.

"She's not with me. Kasama niya si Noah, pupuntahan ko pa lang siya mamaya," saad ko kaya napatango ito at natahimik.

Maliit akong napangiti ng maalala si Astrid, "She will surely spend more time with you—"

"I'm scared about how she will take it if I ever told her my condition," malungkot na saad ni Papa kaya napaisip din ako sa magiging mangyari if ever nga na sasabihin namin kay Astrid ang kalagayan ni Papa.

Napa buntong hininga ako, "She will probably.. cry hard but maiintindihan naman siguro ni As—"

"Good afternoon," napatingin kaming tatlo sa pinto ng may nagsalita doon bago kami nagkatinginan na tatlo. Si Sidra lang naman ang pumasok wearing her lab coat at isang nurse na may hawak na ewan ko. Bahala sila.

"Oh, Sidra. Come in," maligayang saad ni Papa kaya nanlaki ang mata ko dito habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ba galit siya diyan?

"Good afternoon po, Tito, Tita and... Dione," napatikhim pa ito at ilang beses pang napalunok bago niya ituwid ang pagkakatayo. "How are you feeling?" Professional nitong tanong, not giving me a single glance. 

Okay.

Sumagot naman si Papa kaya naman may sinabi ito sa nurse na i-take note ang mga sinasabi nito habang ako ay naningkit ang mata dahil sa lapit nila sa isa't isa.

Is that the way to whisper? Sa pagkakaalam ko, sa tenga dapat hindi sa mukha. Ano? Mukha na ang nakakarinig ngayon?

Saglit akong nagulat ng habang tinitingnan ko sila ay saktong pagbaling sa akin ng tingin ni Sidra bago ito napalunok at umiwas ng tingin. Bahagyang pa itong lumayo doon sa nurse na katabi at nilagay ang kamay sa likod in discomfort. Napairap na lang ako at iniwas na ang tingin sa kanilang dalawa. Nakakainis.

"Tito, are you sure you don't wanna take the chemotherapy? Mas magiging maayos kalagayan niyo if as soon as possible, you take the chemotherapy." Mahihimigan na umaasa ang boses nito habang sinasabi iyon kay Papa pero umiling lang ang matanda at ngumiti.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon