Chapter 22

6.8K 198 14
                                    

"Huy. Kumain ka na kasi, beh."

Kanina pa ako nangungulbit dito para lamang mapakain na ng dinner si Adira dahil 9pm na. Nakalagpas na siya sa usual time niya ng pagkain at mukhang ako ang malalagot.

Paano ba naman kasi! Si Miss Ferrucci ako pa inutusan na bantayan si Adira pag wala daw siya, na given naman kasi best friend ko naman 'to pero kasi, ang tigas ng ulo ni anteh!

Kanina pa siya nandito sa tapat ng kabaong ng parents niya habang nakatulala. Sobrang tamlay nito at napakalaki na ng eye bags dahil sa kulang sa tulog. Pinapagpahinga naman namin pero ayaw naman niya kaya wala din kaming choice kundi hayaan na lang siya.

Nandito rin kasi ako para tumulong doon sa pag entertain ng ibang bisita na nadating since kilala naman talaga sila Tito sa maraming industriya. Hindi talaga maiiwasan ang pagdami ng tao na nadating.

Kahit ako na bestfriend ni Adira ay natulong na din dito. Marami din kasing naitulong sa akin sila Tito at bilang pasasalamat na lang itong ginagawa ko para sa kanila. Bare minimum pa nga lang ito.

"I'm fine, Dione. You can leave me alone," matamlay na usal nito habang nilalaro ang cellphone. Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang balikat nito.

"You can talk to me, Adira," malumanay kong sambit kaya naman nagpalabas ito ng nanginginig na hininga habang nangingilid na ang luha kahit naka side view ito sa akin.

"It's just that... I'm feeling sad and clueless, you know?" Napa singhot ito nang sabihin iyon, "I mean, why does it have to be my parents? W-What did they do to end up like this? They are nothing but kind to other people and everyone knows and notices that but why does it have to be them? Just why?"

Kapwa naluha ako nang marinig ang mahabang litanya na iyon ni Adira. Wala naman akong magawa kundi kabigin ito at yakapin habang sinasabihan ito ng sa tingin ko ay magpapagaan ng loob niya.

This is the first time that I heard Adira talk like this and it's nothing but painful. I'm not used to it.

"I'm so hurt.. so hurt." Pagtangis nito kaya binaling ko ang tingin sa ibang direksyon ang aking tingin, na kasabay din naman ng pagkakita ko sa pigura ni Sidra na nakatingin na din sa pwesto namin ngayon.

Her eyes are also bloodshot while wearing a black polo long sleeves and slacks. Binigyan niya ako ng matamlay na ngiti kaya naman ngumiti na lang din ako sa kaniya ng maliit para pagaanin ang loob niya kahit kaunti.

Importante din naman kay Sidra kung gaano ka-importante kay Adira ang magulang nito. Just like me, marami din naitulong ang mga iyon kay Sidra lalo na at pamilya niya rin naman iyon. She hurt just like all of them and I want to be there for her.

Pero kasi hindi ako pinagbibigyan ng pagkakataon dahil simula ng magsimula ang funeral nila Tito ay naging busy na din ito. Laging pinapatawag ng tatay at puro text, tawag at minsan 'yung mga ganitong pagkakataon na nandito ako at nandito din siya burol ng magulang ni Adira.

I miss her, no doubt but ayoko din naman siyang ma-distract by asking for her time dahil alam ko na mas importante pa ang mga ginagawa niya kaysa sa akin.

I was busy talking to some of Adira's cousins when my phone vibrated in my pocket. In-excuse ko muna ang sarili bago buksan ang cellphone para tingnan kung sino ang nag text.

Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Sidra doon.

Sidra Exie Tuazon
Meet me at the third floor balcony at Adira's room. Now, love.

Agad kong nilagay ang cellphone sa bulsa at pigil ang ngiti na nagpaalam sa kanina na kausap bago nagsimula na umakyat papunta sa kwarto ni Adira.

I know their house very well dahil ilang beses na rin naman ako nakapunta dito. Kulang na nga lang ay dito na ako tumira noon dahil lagi akong napunta dito para makipag laro kay Adira noon.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now