Kabanata 25

1.6M 43K 21.7K
                                    

Kabanata 25

Ubod sa Kalandian

Sa sumunod na araw, may tatlong roses ako sa mesa at may nakalagay ulit na note, "Peace Offering number 2."

Grabe yung mga kaklase ko, pinagkaguluhan nila.

"Noon isang araw, cake yun diba?" Sabi nung nakaupo sa harapan ko. "Saan naman kaya nakabili ng secret admirer mo ng cake? O di kaya may oven sila." Pinalibutan ako ng mga kaklase ko.

Saka naman pumasok si Jacob habang tumatawa sila sa pinag uusapan nila ni Leo at Teddy.

Hindi talaga malalaman ng mga tao dito na siya yung nagbigay sakin nito. Pagkatapos ng klase... nung nakaalis na halos ang lahat... di parin gumagalaw si Jacob sa kinauupuan niya.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya ng pabulong.

"Peace offering nga diba?" Aniya.

Inirapan ko na, "Di na kailangan-"

"Bakit? Napatawad mo na ako?" Ngumisi siya.

"Hindi! Kasi nga... di na kita mapapatawad!" Sabi ko.

"Sus, etong si Rosie o... kung makapag biro wagas! Nagpatawad nga ang panginoon, ikaw pa kaya!"

"Huy, Jacob! Wa'g mong isali ang panginoon dito, wala kang pakealam!" Halos di ko yun masabi dahil natatawa na ako sa sinabi niya.

Loko! Kainis! Naiinis ako dahil natatawa ako pero di ko naman mapigilan ang pagpungay ng mga mata ko at paghalakhak ng konti.

"Ayan! Napatawa na kita... Kasunod nito ay ang forgiveness na-"

"Tseh! Tigilan mo nga ako-"

"Jacob!" Sigaw ni April sa likuran.

Habang tumatagal, lalo yata siyang gumaganda. At nagtaka din ako kung nag co-contact lens na ba siya ngayong di niya na isinusoot yung luma niyang glasses. Mas umiksi din yung cut ng navy blue at crimson na palda niya. Mas maiksi pa sakin...

"Huh?" Napalingon si Jacob sa kanya.

"T-Tinawag ka nina Leo... Sa labas." Aniya.

"Huh? Sandali lang." Ibinaling ulit ni Jacob ang atensyon sakin at...

"Importante daw." Sabi ni April.

"Huh? O-O sige..." Tumingin ulit si Jacob sakin.

Niligpit ko na lang ang gamit ko at kinuha yung tatlong roses. Tinalikuran niya ako at nakita ko siyang palabas na ng pintuan habang nandoon pa si April na nakatayo.

"Thanks, April." Sabi ko.

Hindi na kami masyadong nakakapag usap ni April simula nung tinulungan niya akong makaiwas kay Jacob. Aniya'y mas magandang ganun dahil dikit nang dikit si Jacob sa kanya kaya kung magkasama kami, di ko maiiwasan si Jacob.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon