Kabanata 60

1.6M 39.3K 12.6K
                                    

RATED SPG (KAHIT DI MASYADO ULIT, SPG PARIN): SEXUAL!


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Kabanata 60

What's the Big Deal?

Palabas pa lang kami ng sasakyan ni Jacob, nakikita ko na si Maggie na ngumingisi at umiiling sa bintana habang tinitignan kami.

"Dito ako matutulog, Mag." Paunang bati ni Jacob kay Maggie.

Tumaas ang kilay ni Maggie at tinignan ako bago sumagot kay Jacob.

"Talaga?"

"Oo. Sana nagdala ako ng mga gamit. Dito ko na lang kaya iwan yung mga damit ko, no?" Tanong ni Jacob sakin.

"Ewan ko sayo, Jacob!" Umirap ako.

Nagtawanan si Maggie at James.

"O pwede namang yung gamit mo na lang dun sa bahay namin, Rosie? Ano sa tingin mo?" Ngumisi siyang abot tenga.

Umiling na lang ako at dumiretso na sa kwarto para makapagbihis ng pambahay.

As usual, sumunod na naman si Jacob papuntang kwarto.

"Ano bang ginagawa mo dito? Magbibihis ako!" Sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa kama ko.

"Ano bang problema? Nakita ko na naman yang lahat mo, bakit ka ba conservative dyan?" Tanong niya.

Tinapon ko yung unan sa mukha niya.

"Tumigil ka ah? Baka mapalayas kita dito." Sabi ko.

Ngumisi siya, "Sige, tatalikuran kita para makapagbihis ka na. May pa hiya-hiya ka pang nalalaman ah... Oh ayan!" Aniya at tumalikod na.

"Okay." Sabi ko kahit na gusto ko naman talaga siyang palabasin. "Wa'g kang titingin!" Sabi ko sa nakatalikud na Jacob.

Nakaharap ako sa likod niya habang tinatanggal ang damit at pants ko. Gusto ko kasing masigurado na hindi siya sumusulyap sakin.

Pero tama ang hinala ko! Sumulyap nga siya.

Hinagis ko agad yung tshirt ko sa kanya. Bull's eye sa mukha niya. Tumawa siya at di niya agad tinanggal.

"Manyak ka talaga!" Sabi ko.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon