Kabanata 48

1.5M 39.8K 15.9K
                                    

Kabanata 48

Tensyon

Nakarating kami ni Callix sa engrandeng bahay nina Jacob sa isang eksclusibong subdivision. Hindi naman ito kasing engrande ng bahay nila sa Alegria pero engrande parin ito sa paningin ko.

Habang papunta kami ni Callix at Belle dito, nalaman kong magkapatid ang ina ni Callix at ina ni Jacob na si Cielo. Kaya sila magpinsan. Nalaman ko ring sobrang close ni Callix at Jacob. Hindi nagpupupunta si Callix sa 'bukid' nina Jacob dahil mula raw nung namatay si mommy ni Jacob, tumigil na daw sa pagbisita ang mommy ni Callix doon. Nagkikita lang sila ni Jacob tuwing pumupunta si Jacob sa Maynila kasama ang daddy niya.

"Ba't ka curious, Rosie?" Panirang tanong ni Belle sakin. Bago ako makapagsalita ay, "Anyway, ang laki ng bahay nila huh?"

Pumasok kami sa loob at nakita ang mga kabanda niyang nag papractice sa living room.

"Callix!" Nag highfive si Callix at Jacob.

Sumulyap si Jacob sakin at pabalik naman kay Callix.

"Eto na nga pala yung mga kantang kakantahin namin." Ipinakita niya ang isang papel kay Callix.

Napatingin ako sa mga frame sa mga haligi ng bahay nila. May isa doong sumasakay ng kabayo si Jacob at Callix, mukhang nasa 7-8 years old sila nun. May nakita rin akong pictures nilang dalawa na highschool na at parehong naka jersey ng basketball. Napalunok ako sa dami nilang pictures... ibig sabihin nito ay close na close silang dalawa.

"Jacooob! Paturo ng gitara. Ang galing mo talaga! Manghang-mangha ako sayo nung nag perform kayo sa stage." Sabi ni Belle habang isinusoot yung band ng gitara ni Jacob sa sarili niya.

Napatingin ako sa kanila.

"Uh..." Nagkatinginan kami ni Jacob.

Busy ang banda sa pag aadjust ng mga instrumento nila. Si Callix naman ay busy sa pageexamin sa papel na ibinigay ni Jacob.

"Sige ba. M-Mamaya." Sabi ni Jacob.

Ayokong umiling. Please, Rosie, wa'g kang umiling. I looked away.

"Uh... Rosie, umupo ka muna." Tumakbo si Jacob sakin at itinuro ang pinakamalapit na sofa sakin.

Tumango ako at, "Matagal pa ba yan? Yung practice niyo?" Sabi ko gamit ang mataray na tono ng boses ko.

"M-Mejo, ano? Unahin natin yung report?" Tanong niya.

"Rosie naman, wa'g ka ngang KJ! Hayaan mo na lang muna sila!" Sabi ni Belle na lumalapit na kay Jacob habang suot yung gitara.

"Well, ikaw kasi nag eenjoy ka dito. Ako hindi."

Napatingin na rin si Callix sakin. Nakita kong napabuntong-hininga si Jacob at lumapit sa flatscreen nilang TV.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon