Kabanata 55

1.4M 39.2K 12.9K
                                    

Kabanata 55

Give Me Time

Halu-halo ang emosyon ko. Umuwi ako sa bahay para makatulog ng maayos pero di ko nagawa. Bumisita si Karl kinaumagahan. Tahimik si Maggie, James at Karl habang pinapanood akong namumugto ang mga mata habang nanonood ng TV.

"Rosie..." Sa wakas binasag ni Maggie ang katahimikan.

Tinignan ko siya. Puyat na puyat ang mga mata ko sa kakaiyak.

Iniisip ko si Jacob. Gusto kong magtext pero naka off ang phone ko. Hindi ko magawa kasi alam kong kagabi puno yun ng hate messages galing sa kung kani-kaninong number. Tingin ko pakana yun ni Belle. Traydor!

"Sigurado ka na ba? Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Jacob?" Tanong ni Maggie.

Umiling ako, "Di na. Mas mabuti yung ganito." Tumulo yung luha ko.

"Rosie, ilang beses na kayong nagkasakitan. Please naman, sa ngayon, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka lalayu."

"Maiintindihan niya yun, Mag. Kung okay na siya ngayon, nakakapag isip na siya ng maayos. Pagsasabihan din siya ng ate ni Callix. Sisiraan ako nun panigurado. At mag iiba na naman ang ihip ng hangin. Sigurado akong maniniwala na naman siya. Mag, walang tiwala si Jacob sakin!" Napahikbi ako sa sinabi ko. "Gold digger... yun na naman ang issue."

"Rosie, di naman siguro ganun si Jacob." Sabi ni Karl.

"Nagawa niya ito noon, magagawa niya ulit ngayon." Sabi ko.

"Pinaglaban ka niya. Muntik na siyang mamatay sa mga suntok ni Callix para sayo... imposibleng ganun." Sabi ni Karl.

"Uh... Maggie, Rosie... may tao sa labas." Sabi ni James na kanina pa tahimik at nakikinig samin.

Napatingin kaming lahat sa labas. Tama si James! May tao nga! Kinabahan ako! Sa sobrang kaba gusto ko na lang mag tago o tumakbo sa malayo... o di kaya lamunin ng lupa. Naaninaw ko ang Hummer nina Jacob sa labas.

"OH MY GOSH!" Sabi ko.

Pinagkakaguluhan ito ng mga kapitbahay namin dito sa apartment. May biglang kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni James...

"Nandito ba si Rosie Aranjuez?" Tanong ni Don Juan Antonio Buenaventura, ang daddy ni Jacob.

Bago pa siya nasagot ni James, nagkatagpo na ang aming mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ako.

"P-Pasok po kayo... P-Pasensya na po kayo dito sa apartment namin mejo magulo... wala kasi kaming katulong..." Litanya ni Maggie habang kinukuha yung nakakalat na tuwalya at damit sa sofa namin.

Ngumiti si Don Juan, ngiting nakakapag paalala sakin kay Jacob, "Rosie, pwede ba kitang makausap?" Aniya habang umupo sa sofa. "Okay lang, Maggie... Wa'g ka ng mag abala." Sabi niya kay Maggie nang nakita niya itong naglilinis parin.

"Opo. Sure." Sabi ko kahit na kinakabahan.

"Okay lang ba kung sa labas?" Tanong niya.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now