Kabanata 59

1.5M 40.9K 23.8K
                                    

Kabanata 59

Miss na Miss

"Sakit sa bangs ni Jacob. Araw-araw nung midterms sinusundan niya ako para lang malaman kung nasaan ka. Grrr..." Sabi ni Karl habang naglalakad kami papuntang classroom ng Biology 10.

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko nang papalapit na kami sa classroom.

"Anong problema ng mga ito?" Tanong ni Karl sakin.

"Ewan ko. Palagi naman silang ganyan."

Pagkapasok namin sa classroom, nakita kong may isang bouquet of flowers sa desk ko.

Kinuha ko 'to at mas lalong nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko.

"Sinong nagbigay niyan, Rosie?" Tanong ng isang kaklase ko.

Nagkibit balikat ako.

Pero nang nakita ko na ang card, nakilala ko agad yung sulat-kamay. Galing ito kay Jacob!

Jacob:

One month na lang, 1 year na tayo. I love you, Rosie. 9-23.

September 23 ang sinasabi ni Jacob na anniversary namin dahil una kaming naghalikan sa araw na yun. Ngumisi ako nang naalala ko yun pero agad kong itinigil ang pagngiti dahil nakita kong nakatitig si Callix sakin.

"HAHA! Lokong Ron! Sarap sapakin!" Narinig kong sinabi ni Teddy nang papasok na sila sa classroom.

Unang pumasok si Teddy, tapos si Leo, sinundan ni Louie, Ron at huling pumasok ang nakangiting si Jacob.

Napabuntong-hininga ang mga babae samin nang nakita si Jacob. Hanggang ngayon, hindi parin kami nag papansinan sa classroom.

Sumulyap siya sakin habang nakangisi. Tinignan niya ang flowers tapos agad tumingin sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit napawi ang ngiti niya at di niya na ako tinignan ulit.

Anyare?

Pagkatapos ng klase namin, naunang lumabas sina Leo at ang iba pang kabanda ni Jacob. Si Jacob naman, nagpahuli. Nag-alala tuloy ako kung anong nangyari?

"Rosie, ano? Mamaya na lang ulit. Punta tayo ng mall ah? You know na!" Sabi ni Karl at nagpaalam ng umalis.

Pupunta kami ng mall mamaya para magchill at manood ng sine. Kakatapos lang kasi ng midterms at kailangan naming mag loosen up. Konti na lang kaming natira sa classroom. Tumayo si Jacob at nilapitan ako.

"Jacob-"

Nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at tinaas ang mukha ko. Akala ko hahalikan niya ako sa harap ng dalawang lalaking kaklase ko pero hindi pala. Lumiit yung mata niya habang tinititigan ang mga labi ko.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon