Kabanata 63

1.4M 38.6K 27.2K
                                    

Kabanata 63

Bakla Ako

Buong araw akong di makapag-isip ng mabuti dahil sa babaeng kayakap ni Jacob. Totoo kaya yung sinabi ni Callix? Bakit hindi binanggit ni Jacob sakin yun? Alam kong dapat magtiwala ako kay Jacob. Yun ang kulang saming dalawa. Iniwan niya ako noon dahil wala siyang tiwala sakin at kung iiwan ko siya ngayon para dito, iiwan ko siya dahil ako naman ang walang tiwala sa kanya.

"Jacob," Nilapitan ko si Jacob nang nagkasalubong kami.

Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ako.

"Oh, Rosie? Tapos na ba klase mo?" Tanong niya sabay tingin kay Karl na nasa likuran ko.

Sumimangot siya agad nang nakita si Karl. Binalewala ko yun dahil may bumabagabag sa isipan ko sa ngayon. Mabigat ang damdamin ko dahil dun.

"Oo eh. Tapos na." Sabi ko.

"May pasok pa ako eh." Ngumisi siya. "Movie marathon na lang kaya tayo sa bahay niyo?" Tanong niya.

Umiling ako at di man lang ngumiti sa anyaya niya.

Nakita kong nagbubulung-bulungan ang mga tao sa paligid. I'm sure naiinis na naman sila sakin dahil kausap ko si Jacob. Pero wala akong pakealam sa kanila ngayon. Kailangan kong maliwanagan.

"Jacob... uhmmm."

"Hmmm?" Nakangiti parin siya nang tinitignan ako.

Nasa likuran niya sina Leo. Kahit na nag-uusap ang mga kabanda niya, nararamdaman ko paring nakikinig sila.

"Kailan kayo nag usap ni Callix?"

Nalaglag ang panga niya.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita...

"Uhm... Kahapon ng umaga."

Napahinga ako ng malalim, "Bakit? Hindi ba kayo nag usap nung Sabado?"

"Hindi eh." Napalunok siya at di na makatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pagod na kasi ako nun eh. Dami kasing pumunta sa gig." Di siya makatingin sakin.

"Ahhh. Ganun ba?" Pinilit kong ngumiti. "Sige, uwi na ako ah? La na kasi akong pasok eh..."

"Huh? Sasamahan na kita. Mag momovie marathon-"

"Wa'g na! Okay lang naman. Nandito naman si Karl." Sumulyap ako kay Karl.

Nabigla si Karl pero hinila ko parin siya palayo kina Jacob. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko.

LIAR!

"Karl, I'm sorry. May pasok ka pa diba?" Pinunasan ko ang luha ko.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon