Part 3: No Classes

4 3 0
                                    

August 24, 2022
7:15 PM

Our classes are still suspended. Maaga akong nagising kahit na alam kong wala naman akong pasok. Kahapon palang, may post na kaagad sa amin na walang pasok dito, kaya naman alam ko na walang pasok ngayon, pero hindi ko alam kung bakit nagising ako ng maaga kanina kahit na alam kong walang pasok. Nasanay na siguro ako? Hindi ko alam.

Maghapon, of course, na wala akong ginagawa nanaman. Kain lang ako nang kain, tulog, sulat sa wattpad, tapos kung minsan ay sawa na akong hawakan ang phone ko, kukunin ko na si Avi, at saka ko siya lalaruin. Ganoon lang. Marami din kasing biniling foods si Mama kahapon, kaya busog na busog ako, iyong tipong masusuka ka sa sobrang busog, ganoon.

Wala naman akong ginagawa, malinis naman sa house, kaya wala ding gawaing bahay. Minsan, makalat, ako din lang ang naglilinis at hindi ang mga kapatid ko, dahil tamad silang mga tao. Malamig parin kanina, at nakabalot parin ako sa kumot, hindi pa din masyadong makalabas dahil maputik sa labas at saka maulan parin kung minsan. Pero may araw na lumalabas na kung minsan, nagpapapansin siya ganoon.

Wala akong ibang maishe-share kasi wala naman akong ibang ginawa sa bahay maghapon kung hindi ang kumain at matulog lang.

Stay safe always, and stay healthy! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now