Part 144: Off To Manaoag

1 0 0
                                    

December 29, 2022
3:19 am

We are off to Manaoag today, so medyo maaga aga ang calltime, pero since mas maaga ako sa calltime, ikukwento ko muna kung bakit kami pupunta sa Manaoag at kung bakit maaga akong nagising.

Kahapon, akala namin hindi kami makakasama ng kapatid ko, kasi baka hindi papayag si Mama, and also mahal iyong pamasahe kapag commute. Pero nagpaalam kami kanina pagkarating niya sa bahay galing work at sinabi niya na sasama daw kaming dalawa and binigay kaagad saamin iyong pamasahe namin. Kaya nagready kami kaagad ng gagamitin namin tsaka iyong isusuot namin. 11pm, natulog na kami kasi 4am daw ang calltime at oras ng gising kasi kakain pa raw at saka magluluto pa sila, kaya natulog kami ng 11pm.

And now, 4am ang calltime. Ang alarm ko sa phone ko is 2:30 am, at nagising naman ako sa alarm ko. Dalawa palang kami ng kapatid ko na gising at hindi ko alam kung gising na iyong mga kasama namin kasi nasa kabilang bahay sila kaya hindi ko masilip kung gising na ba sila o hindi pa. Ready na mga gagamitin namin, at saka ayos na lahat ng mga damit na susuotin, we have to eat our breakfast muna bago kami aalis at magko-commute para makapunta sa Manaoag.

After how many years. 3 or 4 years old palang ata ako noon nung last na visit namin sa Manaoag, kaya gustong gusto kong sumama ngayon doon, and finally makakapunta na ako doon ulit!

Super excited ako kaya mas maaga ako sa calltime. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now