Part 7: Projects Done!

1 1 0
                                    

August 28, 2022
9:41 PM

Maaga akong nagising kanina dahil masakit ang puson ko, at iyon na nga, may dalaw na daw akes. Kumain ako kaagad, tapos after niyon, lumabas ako to greet Avi and also to play with her na rin. Sa umaga kasi ako nagcha charge ng phone ko, kaya naman wala akong phone sa umaga. 12pm ko na nakukuha ang phone ko, para narin makapag pahinga ang aking mata sa paggamit ng phone ko.

Noong tanghali, wala akong ginawa, natulog ako, kasi sobrang sakit ng puson ko, tuwing nahahanginan ako sa fan, nananayo balahibo ko, tapos nilalamig ako kahit sobrang init naman, nakakumot pa ako. Tinulog ko kasi masakit talaga, nang magising ako, 2pm na, kaya kumain na ako, mabuti at hindi na masakit gaano nang magising ako, kaya nakakuha ako ng ulam doon sa kubo, tapos kaunti lang ang nakain ko dahil wala akong gana.

Noong alas 4 na. Bumili ako ng pandesal at nagluto ako ng itlog for my meryenda, kasi mabilis akong nagutom dahil kaunti lang ang nakain ko. And then, lumabas ako ulit after kong kumain ng meryenda, kahit na hindi pa ako nakakaligo. Kapag talaga unang dalaw ko, hindi ako naliligo, una, kasi hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sakit ng puson ko, at pangalawa, tinatamad ako. Wala na yung sakit ng puson ko bandang hapon na kaya naman lumabas ako para malaro ko si Avi, tapos after niyon, naghalf bath na ako, nagpalit na ako ng sleepwear ko, tapos gumawa na ako ng projects ko, tinapos ko today, kasi bukas, magpaplantsa nalang ako ng damit ko, at mag aayos nalang ako ng mga gamit ko. Pati name tag ko, naayos ko na.

Nakakabilib nga. Kasi ang dami kong ginawang project, pero iyong apat na story na daily kong sinusulatan, natatapos ko parin siya at nakakapag sulat parin ako, kaya ang sarap sa feeling. Ang saya na makatapos ng chapters sa lahat ng sinusulat mo. Excited na akong pumasok ulit sa Tuesday. And also, sana makausap ko na ibang classmates ko.

Alright, bali balita na walang kuryente bukas, so I have to charge my phone tonight.

Keep safe always. Godbless! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum