Part 14: I Touched Something!

0 0 0
                                    

September 4, 2022
9:46 PM

Kaninang umaga, nandoon lang ako sa kubo dahil may business nga doon sina Tita at Mommy ko. Tumambay ako doon for awhile to play with Avi na rin. 9:30 am na ako nagising kaninang umaga kasi bumawi ako sa tulog, tapos 10am lumabas ako doon hanggang 1pm, nandoon ako. Unang bumili, Pulis. Bumili siya ng sigarilyo. Iyong pangalawa, Pulis din. Bibili sana siya ng asin, kaya lang sabi ng Lola ko, huwag na daw bayaran, ako mismo ang nagtakal at naglagay sa plastik nung asin, alam niyo ba? Nagtama iyong mga kamay namin. Hindi naman sobrang nagdikit, pero feel mo iyong balat nang isa't isa e. Ganoon. Ganoon iyong feels ko kanina. Omg talaga. Hindi na ako masyadong naaattach. Wala masyadong kilig feeling, hindi ko alam kung bakit.

Nung sinusulat ko ang WTLDF, umiiyak ako. Legit. Humihikbi pa ako, at saka pinipigilan na huwag maiyak kaya lang ay hindi ko kaya. May background music kasi ako na kanta ng Ben&Ben, kaya nakakaiyak talaga, isama pa ang mga scenes na ginagawa ko at dialogues. Kaya naman umiiyak talaga ako kanina. Ayaw ko naman mag selfie na umiiyak para lang ipakita sa mga readers at friends ko sa facebook ko, pero naiyak talaga ako.

Maaga ako bukas. Dahil officer ako. Magpa-plantsa ako later o bukas na ng uniform ko. Naayos ko na ang sapatos ko, at mga gamit ko, uniform nalang talaga hindi. Tapos dadaan akong bayan bukas to buy some paypay, kasi mainit sa room, tsaka perdible for my name tag na rin. Wala namang bago today, ganoon parin naman.

Keep safe and healthy! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now