Part 4: First Activities

3 3 0
                                    

August, 25, 2022
10:51 PM

Early in the morning, I received our first activities already. From our 2 subject teachers. Actually, uumpisahan ko sana kanina iyong essay, per may kwento ako kung bakit hindi ko naituloy. Today, our schedule is modular, so wala kami sa school, probably at nagbigay lang ng activities ang teachers namin sa mga gc ng section namin. Dalawang subject lang naman ang nagbigay, and madali lang siya for me, kaya naman uumpisahan ko na. Sana.

We just have to write an essay lang naman about the time in pandemic, tsaka story book about times din habang nasa pandemic situation parin kami. And also we have to creatively prepare our own nametags by Monday, next week, kasi we will start our discussion na by next week. Kaya naman ihahanda ko ang name tag ko ng bongga.

As usual, nakahiga, kumain, naligo, nanuod at nagsulat lang ako sa wattpad. Minsan lumalabas din ako sa kubo to play with Avi, and help them there with their business. Mainit na din kanina, kaya after 3 days, nakaligo na ako. Kidding. Nag scroll din ako saglit sa facebook, and after that, wala na. Hindi na ako mahilig sa socmed lately, nago-online lang kapag may kailangan akong ichat na classmate ko or sa mga co-writers ko. Ganoon lang.

I received a bad message early in the morning din. Sinabi ni Mama ko, na sinabi sa kaniya ng Police Major na kilala niya, baka daw hindi ako makapasa as a Police officer, kaya naman nag breakdown ako ng kaunti sa sinabi niya. Pero ganoon talaga, kailangan mong isakripisyo ang lahat, kahit na sobrang pangarap mo, kung hindi talaga para sa iyo, wala kang magagawa. Pero may back up plan naman ako, I am born ready and alert kay may gagawin ako. And I will share that to you all soon, kapag naayos ko na. As of now, may 2nd best option is Nursing, and then kapag naka license na ako at registered Nurse na ako, magsu-switch ako as Military Nurse. Ayos ba?

Nakakita ako ng post kanina about doon sa Film Production Team ng aming school na open sila for recruitment ng mga bagong crew members nila at kasama doon ang mga writer. Syempre, bida bida tayo, nagregister ako kaagad without knowing na, bukas kaagad ang screening at interview namin, kaya nagulat din ako. But, anyways, nakaprepare naman na ako, may damit na ako for tomorrow. Nakahanda na ang soft copies and hard copy ng mga stories na dadalhin ko for tomorrow, nagpaalam na ako kay Mama, kailangan ko nalang gumising ng maaga bukas para makarating ako doon ng maaga at hindi ako mali-late. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang essay ko. Pero bukas, gagawin ko na talaga siya. Hahabaan ko ang essay ko para matuwa naman saakin ang Teacher ko.

Kung matuloy man ako bukas. Sana palarin akong makuha at maging isang Film Writer ng team nila. Pangarap ko din na magawang film ang mga sinusulat ko, kaya naman sana makuha ako. And also, sana maaga akong makagising bukas at payagan ako ni Mama na makapunta, kasi dinig ko, wala daw siyang pera. Kidding.

Wish me luck kung matuloy man ako, gigising parin ako ng maaga at titignan ko kung papayagan ako ni Mama na umalis. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ