Part 9: Second Day

0 0 0
                                    

August 30, 2022
10:43 PM

Kahit na puyat ako noong isang araw, dahil sinamahan kong gumawa ng project ang bbf kong kaklase ko din lang, maaga parin akong nagising, at hindi ko alam kung bakit, dahil siguro kasi nasanay ako na maaga na akong nagigising kahit puyat, kaya naman ganoong oras na din ako nagigising hanggang ngayon. Sinundo pa kami ng mga kasama naming magpunta ng school kanina dahil hindi maman namin alam na makikisabay sila, kaya chill kami sa bahay kanina, pero nang naroon na sila sa labas ng bahay ay nagmadali na kami kaagad na magpalit. Ang nasakyan namin na sasakyan ay diretso na sa school, kaya mas mainam iyon.

Nagklase kami and it was fun. I had fun at may natutunan ako kahit papaano. Nainis lang ako dahil nahihiya talaga akong magtaas ng kamay kahit na magbabasa lang ako ng naroon sa tv. Hindi kasi gaanong kita dahil sa silaw galing sa bintana, nahihiya din akong pumunta sa harapan kaya naman hindi na muna ako nagtaas. Pero promise, bukas, babawi ako, magtataas na ako ng kamay at magiging active na ako sa klase. Active naman ako kanina pero sumisingit singit lang ako sa usapan, at pasingit din na sagot. Pero bukas, mas active ako, mas magiging active ako at hindi na ako mahihiya bukas! Yes!

Noong hapon, may mga nakasalubong kaming Pulis. Doon sa school, at saka noong pauwi na at pasakay na kami sa paradahan ng mga tricycle saamin, nakasalubong namin sila. Brownout nang makauwi kami, hanggang 6pm to 8:30, kaya naroon kami sa kubo at hinintay na bumalik ang power. Natuwa nga din pala ako kay Avi, kasi hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay nakita ko na siya at sakto naman na doon kami sa tapat kung nasaan sila ng nag aalaga sa kaniya huminto, hindi pa ako nakakababa sa tricycle ay tinawag ko na siya, tapos ang saya saya niya nang makita niya ako. Nang makabalik ang ilaw, agad na kumain kami, nag shower ako, nagplantsa, at nag advance reading at research din sa isang subject namin. Tapos nagsulat ako sa wattpad, good thing, natapos ko naman lahat, at bukas, magu-update ako sa Book 4 ng HIM. Para masaya.

Naelect pala ako as Treasurer kanina sa class, kaya may position ako sa classroom namin. And also, balak kong sumama ng Girl Scout kasi may singing contest doon and I think, they need me there. So I'll be there, kidding.

Iyan lang naman ang ganap ko today, at masaya ako na due to hectic sched, natapos ko na din ang mga stories ko na isulat. Iyong sa IRHOP lang ang iniba ko, from 1.5k na word count, magiging 1k nalang, at hindi na kaya ng powers ko ang napaka haba na chapter. Para mas mapabilis din ang pagsusulat ko.

Keep safe and God Bless! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now