Part 11: Good News!

1 0 0
                                    

September 1, 2022
11:28 PM

Maaga akong nagising kanina kahit na wala namang pasok, marami din kasi akong gagawin, kaya maaga akong nagising, at tama nga, marami akong ginawa. Kaya ganitong oras na ako nakapagsulat dito, kita niyo naman sa itaas ang oras. Sinamahan ko si Lola ko nung umaga na kumuha ng pention niya, tapos noong hapon na, doon na dumami ang gawain ko. Ginawa ko ang tatlong activity ko, dapat ay gagawin ko na lahat at apat lang naman sila, pero hindi na kaya ng powers ko at antok na antok na ako, kaya bukas ko na nang umaga gagawin bago ako magproceed sa writing ko ng notes kung walang isesend na bagong mga gawain. Sumama pala ako kanina kay Mama sa bayan dahil nag Mcdo kami at namalengke, kinuha ko na din iyong item ko na panay silk sleepwear, tatlo iyon, at nakababad na sila as of now, bukas ay lalabhan ko nalang at patutuyuin. Naglaba din ako ng uniform today. Bukas, bag ko naman tsaka sintas ng sapatos ko. Sabado at Linggo na ako mag aadvance reading, feeling ko may isesend na panibagong activities bukas e. Nagmeeting kami ng mga officers kanina at saka nagtawanan din, masaya ang naging usapan.

May goodnews ako! Nakatanggap ako kanina ng email at sinabing nakapasa ang manuscript ko sa Publishing nila, kaya naman may 3rd book na ako! Yes! Pumasa ang It's Never Been Us sa Chapters of Love Publishing kaya naman may 3rd book na akong on the way na. Bukas, isesend ang details for the book covers na gagawin ng editors, tapos magpapa-pre order na daw kaagad since iyong manus na pinasa namin, na edit na, at naka ayos na. Isa din sa dahilan kung bakit kami nag- Mcdo, nilibre ako ni Mama kasi pumasa daw ang story ko ulit.

Napakasaya ng araw ko na ito!

At syempre, hindi ko makakalimutang batiin.

Happy 25th Birthday, Jeon Jungkook!

Stay safe and healthy! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now