Part 146: Christening

0 0 0
                                    

December 31, 2022

Umaga palang gising na gising na kami kasi nagluluto na sina Tita at Lola ko, at kailangan na naming tumulong sa kanila. Late ako ng gising kaya naabutan ko nalang sila na naglilinis kasi tapos na ang decorations, although natapos na iyon ng December 30 ng gabi, inayos pa rin nila para magandang tignan.

Tumulong nalang ako by taking care of Avi, kasi hindi sila makagalaw ng maayos kung si Avi e buhat buhat at napakaingay at kulit habang nandoon kami sa venue, kaya dinala ko muna siya sa bahay namin at nilaro. After that, naligo na sila ng Mama niya at mga family members namin na sasama sa kanila sa simbahan. Kami naman na naiwan sa bahay ay tumulong pa ng kaunti bago kami kumain ng tanghalian.

Tinawag pa ako ni Mama na sumunod sa palengke kasi kailangan naming mamalengke for our handa mamayang New Year's Eve, sakto naman ang tawag niya sa akin kasi nung tumawag siya, nakauwi na sina Avi at mga invited sa binyag, kaya kailangan silang asikasuhin, kaya lang ay kailangan kong umalis para mamalengke.

Kinuha ko rin kasi sa bayan iyong buko pie na ibinigay saakin ng libre at saka iyong binili rin namin. Tapos bumili kami ng mga prutas at sahog sa lulutuin naming mga putahe.

Hindi ko alam masyado ang nangyari sa binyag ni Avi pero alam kong masaya naman kasi marami siyang nakuhang regalo at pakimkim. Nakauwi nalang ako sa bahay namin na may nagiinuman.

Ayon, sa wakas ay nabinyagan na si Avi. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now