Part 79: Bagyong Paeng

0 0 0
                                    

Super lakas ng bagyo ano? Saamin, ulan at hangin lang. Pero nakakatakot parin kasi ang lakas, kagabi nga e hindi ako nakatulog ng maayos kasi tumutunog yung yero ng kapitbahay tsaka yero namin tuwing lumalakas ang hangin, tapos nagigising ako, kaya naman napapamura ako tuwing nagigising ako tapos naaalimpungatan ako. Super lakas kasi, tapos ilang beses nawalan ng kuryente kasi napuputol yung mga wires dahil sa lakas nga ng hangin. Iyong ulan, paminsan minsan lang kapag humahangin, sumasabay siya sa hangin, ganoon. Pero ngayon, Linggo, wala naman na, hindi na nawalan ng power, kaya naka charge na ako. Grabe yung mga ibang lugar na natamaan ng bagyo, yung mga iba nga namatayan pa, grabe talaga. Tapos, may bagong bagyong papasok nanaman after this, kaya ingat kayong lahat.

Saamin, hindi naman super lakas, keri naman ng bubong namin, kaya safe kami dito. Sana kayo din. Always. Kahit walang bagyo, ingat kayo, palagi. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang