Part 147: New Year's Eve

0 0 0
                                    

December 31, 2022- January 1, 2023

After ng binyag ni Avi, handa naman namin for New Year ang niluto nina Tita, tapos sa bahay namin. Carbonara ang ginawa ni Mama sa pasta namin, tapos nagluto siya ng ham and etc. Habang naghihintay kami ng countdown, nagtambay kami ng mga pinsan ko sa kubo namin, kinuha namin iyong speaker tapos kumanta kami, noong una iyong mga Pulis dito sa outpost iyong kumakanta, gumaya lang talaga kami, nakipag bardagulan kami sa mga Pulis gamit ang speaker namin.

Kumanta kami, tapos nung nalaman ng mga Pulis ang plano namin, tinutok nila sa amin iyong speaker tapos saka sila kumanta ulit. Nagpunta nga roon iyong dalawang Pinsan ko tapos pinakanta sila. Jopay iyong kinanta nila, tapos kaming mga nasa kubo, sumasabay kami sa kinakanta nila habang kumakanta sila doon sa outpost, ang saya saya. Nagtagal kaming kumanta sa kubo, tapos natatawa iyong mga pinsan ko kasi nung kumanta ako, hindi na raw kumanta iyong mga Pulis, natigil kasi iyong speaker na gamit nila.

Ang cute tignan kasi nagset up din sila doon sa outpost nila para makapag celebrate sila kahit papaano ng New Year nila kasi hindi naman nila kasama ang Family nila, kaya sinasabayan nalang namin sila. Kapag iyong kumakanta na Pulis na e bumabati ng Happy New Year, babati rin kami pabalik sa kanila, tapos tatawa kami, kaya ang cute cute.

And then noong malapit na ang countdown, nakitipon na kami sa mga Family namin tapos may mini accident na nangyari bago kami pumunta sa bahay namin, kwento ko sa next chapter iyong accident. Malapit na mag 12am nung may nagpapa fireworks display na kaya nag abang na kami tapos nagbi-video na kami ng mga fireworks displays. Nagbilang kami ng 10 seconds kasama ang mga pinsan ko, tapos saka kami tumatalon talon at nag ingay, sa pagpapaputok namin may accident din na may nangyari, kwento ko ulit doon sa next chapter.

After ng countdown, nagpicture taking kami with the fam, tapos bumati kami sa mga bisita at sa family members namin. Hindi kami kaagad nakakain kasi busog na busog kami, kaya nagkwentuhan nalang muna kaming magpipinsan. Tinawagan ko rin ang mga friends ko, at saka bumati ako sa mga nagchat sa akin at nag greet.

Ala una na kami nakatulog, tapos iyong mga umiinom, hindi ko alam kung anong oras sila natulog.

Happy New Year everyone! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now