September 2, 2022
10:25 PMUmiiyak ako kanina habang sinusulat iyong WTLDF, grabe. Tragic siya, kaya naman dapat ay eepekto din saakin iyong scenes, para eepekto din sa nagbabasa. At ayon na nga, naiiyak ako kanina noong ilang words palang ang naisusulat ko, at tuluyan na nga akong naiyak sa pinakagitna at huling parts ng Chapter 18. Ia-update ko siya bukas, kaya mababasa nila ang pinaghirapan ko at iniyakan ko.
Tapos na ako sa activities ko, nakapag advance study na din ako, kaya bukas, maglalaba nalang kami, at saka sa Linggo na muna ako magpa-plantsa ng mga uniform ko. Lilinisan ko na din ang sapatos ko, at saka lalabhan ko ang bag ko. Kanina, nalabhan ko na ang mga silk sleepwear ko, at suot suot ko na ang isa, color white siya. Ang ganda, legit.
Ayon, nakabawi naman ako kanina ng tulog pero kulang parin. Kaya bukas, after maglaba, matutulog ako ulit, maghapon.
Inaayos ko na ang tungkol sa book ko, sa Linggo o baka bukas ko na aayusin ang manus na kailangan, at saka ang letter na kailangan dahil minor pa ako. Wala naman nang ibang nangyari, maaga kaming officers din pala sa Monday.
Keep safe and stay healthy! Mwua!
Bye!
![](https://img.wattpad.com/cover/319866224-288-k956184.jpg)
YOU ARE READING
Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey
RandomJoin me on my new journey as a graduating Grade 12 HUMSS Student!