Chapter 26: Basketball After A Long Time

0 0 0
                                    

Nakapag basketball ako kahapon kaya masakit ang likod ko. Lagpas three point shot ako tumitira kahapon, masyadong nabinat ang braso at likod ko, kaya naman sumasakit siya ngayon, kaninang umaga ko lang naramdaman na masakit, pero kahapon, wala naman. Hindi din naman maulit na makapaglaro ako, uulit sana ako kanina na maglaro kasi para mawala yung sakit, kaya lang, wala na yung bola, nawala daw, kaya hindi ako nakapaglaro, natulog nalang ako. After how many months, kahapon nalang ulit ako nakapaglaro, kahapon, nilipat nila yung ring tapos mas tinaasan nila, masaya naman dahil magaling parin akong magshoot ng bola, natalo ko ang mga pinsan kong basketball player kahapon sa shooting. Tapos lagpas three point shot pa ako tumitira so malayo layo ang tira ko, nasho-shoot ko naman, nakailang balik nga ang bola sa akin e.

Ang saya talaga mag basketball, super. Nalalabas mo yung pawis mo, tsaka nagkakaroon ng activity ang katawan ko kahit papaano kasi busy na ako sa acads, hindi na ako masyadong nag iiinat inat, kaya hindi masyadong nabibinat ang katawan ko.

Ayon, share ko lang. Nagsaya ako kahit na marami pang kailangang gawin, pero natapos ko naman na kahapon pa mga activities ko at assignments ko. Magsusulat nalang ako ng notes. Tapos wala na akong gagawin.

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now