Part 136: Christmas Ganap!

1 0 0
                                    

December 24, 2022

Medyo wala kaming ginawa ng 24, kasi hindi naman kami naghanda. Kinabukasan kasi kami kakain at gagala so hindi na kami nagluto. Bandang 6pm, nagkakantahan na iyong mga Tito ko sa labas, kasama si Papa ko. Nagvi-videoke sila tapos umiinom sila. Hindi ko lang alam kung nagluto sila ng handa kasi hindi ako lumalabas ng bahay kasi super lamig talaga.

May dala si Mama na cake, tapos may nagpadala saamin ng pizza, iyon na iyong ginawa naming kakainin namin para sa pagsalubong. Wala pa ngang 12am e kumain na kami sa inaantok na kami at hindi kami talaga umaalis sa mga higaan namin sa sobrang lamig. Nakakatamad tumayo. Really.

10pm palang bumati at nagpost na ako kasi akala ko aantukin na ako at hindi na ako makakasalubong pero nakaabot naman ako ng 12am, kaya lang after how many minutes after 12am, natulog na ako dahil super inaantok na ako. Ayon, hindi naman sobrang bongga ang pagsalubong namin, sa new year kasi kami talagang maghahanda ng bongga.

Hindi siya boring for me. Hindi din sobrang masaya for me ang pagsalubong. Middle middle lang.

Merry Christmas everyone! Ingat kayong lahat at sana naenjoy niyo ang pasko niyo with your family! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now