Part 45: Teacher's Day!

0 0 0
                                    

Kahapon ito nangyari, wala akong time kagabi, so ngayon ko nalang sasabihin.

October 3, 2022

Monday, Teacher's Day.

Maaga talaga akong pumasok sa school for Teacher's Day kasi tumulong ako na mag ayos for decorations sa room, and then may mga iba akong ginawa sa ibang subjects, nagpractice kami for reporting and performances, kaya maaga ako. Nang matapos kaming magdecorate nang kaunti, nagpasama ako sa classmate ko na samahan niya akong iabot ang gift ko kay Sir Joco, kilala niyo iyon, hindi ba?

May hinanda akong gift sa kaniya. Linggo palang ng gabi, inayos ko na. At nabalot ko na kaagad, tapos nung may time kami nung umaga, inabot ko na kaagad para kaming dalawa lang ang magkasama at may time kami together. Kasi, kapag hapon pa at ipapakita ko sa ibang students na may iniabot ako kay Sir Joco, baka maissue kami, kaya umaga ko nalang inabot. Nagkatawanan pa kami habang nag aabot ako ng gift, tapos nag-take kami ng picture for remembrance, tapos nag thank you, ganoon din ako, bumati kami sa kaniya ng kasama ko, and then after that, umalis na din lang kami kaagad, kasi nandoon siya sa loob ng research room, e may kausap siya, tinawag ko lang siya saglit tapos umalis na kami kaagad kasi kausap niya yung Teacher sa loob.

And then, linggo ng gabi, bumati ako kay Sir Gomez ng Happy Birthday, kasi birthday niya nung October 2. Tapos sakto, October 3, Teacher's Day, kaya bumati na din ako, niloloko niya nga ako na nasaan daw ang regalo niya, kaya naman sabi ko, saan siya mahahanap, kasi mag aabot ako. Ayon, kinaumagahan, bumili ako ng regalo for him, tsaka yung letter, ayon, nakagawa ako ng regalo sa kaniya. Umaga, inabot ko na din, kasi ayaw ko ng issue, nagkaroon kami ng picture taking, kasama adviser namin tsaka kaming tatlo na nag abot ng mga cards and gifts sa Teachers namin. Nagthank you siya, ganoon din ako. Bumati kami, tapos umalis na kami kaagad.

Masaya ang naging program namin sa room. Kahit papaano may hinanda kami sa Adviser namin, tapos may kaunting decoration, tapos kumanta ako, may iba ding nagperform. Masaya kasi maraming joker sa room kaya laughtrip ang flow ng program. And then, naglaro kami after kumain, may nagmessage kay Ma'am, may sumayaw, may kumanta, tapos naglaro kami ng isang game sa room tapos bumaba na din kami kaagad kasi doon kami naglaro ng ibang laro. Nagpicture taking din kami, sayang at hindi kami kumpleto, kaya may mga wala sa picture.

Wala kaming ginawa kahapon kundi tumawa nang tumawa, kumain, naglaro, kumanta tapos tumawa ulit. Ang saya, sobra. Kaya nag-enjoy ako, napagod man pero worth it kasi super saya. Napakasaya to be honest.

Happy Teacher's Day sa lahat ng guro sa buong mundo. Kung wala kayo, wala kami ngayon sa kung nasaan kami ngayon.

Happy Teacher's Day po! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now