January 12, 2023
6am palang gising na kami. Naghanda na ako kaagad, nagshorts lang ako at tshirt and rubber shoes. Pinatungan ko lang ng sweater kasi malamig pa. Ilang minutes lang ang itinagal namin doon sa waiting area, natawag na kaagad ang name namin at saka naturukan na ako kaagad. May mga kasama pa kasi kaming iba at hati doon sa gamot na libre, kasi may libre doon minsan. Kaya nakalibre kami ng gamot. And then, after namin sa Ospital, nagpunta kami sa Mcdo, nagtake out kami ng pagkain tapos namalengke kami ng ulam saka kami umuwi kaagad. Nag LBM din ako kahapon pero ayos naman na ako ngayon.
Hindi nanaman ako nakapasok kasi gusto kong ipahinga yung katawan ko tsaka braso ko, kasi makati yung part na binakunahan at the same time, masakit siya at nangangalay. Kaya hindi na ako pumasok pa. Natulog nalang ako maghapon. Sakto naman na wala rin silang ginawa kahapon, wala daw teacher na nagturo sa kanila kaya hindi mabuti nalang hindi na ako pumasok, kasi kung pumasok pa ako, wala din lang akong gagawin, hindi pa ako nakapag pahinga, pinagod ko pa ang sarili ko, kinawawa ko lang yung katawan ko.
Baka bukas, makapasok na ako. Sana. Mwua!
Bye!
YOU ARE READING
Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey
RandomJoin me on my new journey as a graduating Grade 12 HUMSS Student!