Part 36: Cultural Dance Practice

0 0 0
                                    

May dance practice kami for cultural dance bukas. Kaya maaga nanaman ako. 7:30 am ang calltime namin, at mauuna na akong aalis kay Mama since 9am pa ang pasok niya. Ihahanda ko palang mga gagamitin at susuotin ko bukas, simpleng suot lang naman ang susuotin ko bukas kasi practice lang naman iyon, tsaka maghapon kami, kaya baka magbaon na ako ng lunch ko tsaka meryenda na rin. Para hindi ako gutumin. Tapos, magdadala akong umbrella kasi maulan, baka kasi umuulan kapag pauwi na ako, kaya kailangan ko ng payong, tsaka water, and then, extra shirt and also towel. Tapos extra money, pamasahe, tapos magbabaon din pala ako ng tsinelas ko, para hindi mabasa ang paa ko, kung makakapasok si Mama ko bukas, sasabay na ako sa kaniya pauwi, kasi 4pm ang uwian namin after practice.

By Monday, maaga nanaman kami kasi practice naman ng Per-Dev which is leader ako doon. And by 28 na ipeperform iyon. Grabe.

Ayon, share ko lang ang mga kaganapan ko this days. Lalo na sa practice days. Sana nga nung Thursday, may community outreach kami, iyong lalabas kami para magpa feeding program, ganoon, pero hindi natuloy, baka next week or next month na namin gagawin iyon. Baka pinaghahandaaan palang nila ang alis namin, kasi lalabas kami ng school premises. Kaya kailangang paghandaan ang mga mangyayari.

Nadagdagan ang pagkaleader ko, naging leader din ako sa USCP, at inaayos naman na namin, handle ko naman ng maayos ang mga grupo ko kung saan ako leader, tapos iyong research title namin, na-approve na, hindi ko lang alam kung kailan kami magsisimula, kasi marami pa kaming gawain, uunahin muna namin iyon. Hindi din naman din daw pwedeng madaliin iyong research namin, kasi kung ano lang daw ang matatapos namin, kahit anong matapos namin, acceptable naman daw siya, sabi ng teacher namin. Pero, we will try our best to finish our research paper, syempre.

Hindi ko alam kasi by next week ata, may reporting na din kami sa PPG, sana naman hindi na ako leader, pang limang subject na iyon na magiging leader na ako, grabehan. Nagsimula sa Prac-Re tapos sunod sunod na siya, sana sa susunod, hindi na ako.

Anyways, I'll prepare my things na muna. Kaya bye na. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now