Noong Friday, namimili si Ma'am namin ng mga kasama ng President namin for reporting. Nagtataas ako ng kamay kasi gusto ko kaming magkasama ng President kaya lang, ayaw ni Ma'am. Natatawa ako kasi umiiling siya sa akin everytime na sumisigaw ako na kunin niya akong member ng President namin, kaya lang si Ma'am ayaw niya tapos tumatawa siya sa akin after niya akong ilingan. Natatawa talaga ako sa reaksiyon ni Ma'am. Gusto niya ba akong maging leader? As in? Alam niya siguro na malakas boses ko sa room kaya gusto niya akong magreport sa harapan ng mga classmates ko. Pero kaunti lang naman ang irereport namin kaya ayos lang saakin, naayos na iyong powerpoint, iyong explanation nalang tsaka iyong ipapa-quiz at script for reporting namin tapos, tapos na.
Dito na masusubukan ang katapangan ko sa public speaking at reporting. Charot. But then, I'll do my best for our group to stand out. Wow. Mwua!
Bye!
![](https://img.wattpad.com/cover/319866224-288-k956184.jpg)
YOU ARE READING
Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey
RandomJoin me on my new journey as a graduating Grade 12 HUMSS Student!