Part 44: Balikbayan!

0 0 0
                                    

Nakauwi na galing ng Pilipinas ang friend ko, sa America siya galing. 1 week na pala siya simula nang makauwi, hindi niya pa sinabi sa akin, kaya nagulat ako nung nagchat siya saakin na punta daw ako sa bahay nila kasi birthday ng inaanak ko which is pamangkin niya, tapos doon ko na din tinanong kung nakauwi na ba siya at sinabi niya na oo daw at nasa Pilipinas na siya, surprise pala talaga kasi ang family niya lang ay may alam, tapos mga friends niya, hindi niya din sinabihan, kaya nagulat ako nang sinabi niya na nakauwi na nga siya at inaaya niya pa ako sa party.

Syempre, inaanak ko yon at ilang taon na akong hindi nakakabisita sa kanila, kaya nagrush akong mamili ng regalo para sa kaniya. 4pm ang start ng party, 2pm, sumama muna ako sa bayan para pumunta ng mall, as in nakapambahay lang ako, naka sandals lang ako, tapos naka shorts tapos tshirt na panlalaki pa. Tapos bumili ako ng regalo tsaka pambalot, nagsakada kasi sila Tita ko, kaya naabot kami hanggang 5pm sa bayan, pagdating ko pa sa bahay, naliligo palang mga kasama ko, tapos may kinuha pa ako sa elementary classmate ko, kaya naman nagmotor pa kami. Tapos 6pm na kami nakarating sa party kasi natagalan din kami sa pagkuha ng tricycle.

Pagdating namin sa party, tapos na yung program, akala ko kasi normal na kakain ka lang ganon, e hindi pala. Kaya naman nagulat ako kasi may stage pala doon, tapos ayon, pagdating namin doon, bumati ako sa kanila, nangamusta tapos saka kami kumain, inasikaso nga kami, kilala ko naman sila lahat at saka kilala parin naman nila ako.

Habang kumakain kami, nakikipag biruan ako sa mga narooon na kakilala ko, maraming handa, maraming putahe, at maganda din ang stage, 7 years old na kasi yung inaanak ko, kaya naman may party na ganoon. Tapos ayon, after kumain, pinakanta nila ako, tsaka yung singing buddy ko na friend ko nga, tapos inaaya nila akong uminom, pero hindi ako pumayag kasi Lunes kinaumagahan, may pasok tsaka marami din akong naiwan na gawain sa bahay for Teacher's Day.

Nagtagal lang kami nang kaunti, umuwi na din kami kaagad. Kasi mag aasikaso pa kami para bukas. Nagpalit lang ako ng damit ko, tapos ginawa ko na kaagad yung envelopes na ibibigay ko for Teacher's, tapos yung gifts ko, tapos natulog na din ako kasi maaga pa bukas. 7am kasi ang alis ng service namin, kaya kailangan maaga kang gigising para hindi ka mahuhuli sa sasakyan.

And the rest na nangyari sa Teacher's Day, iku-kwento ko sa next part. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now