Unang Kabanata

16.6K 266 26
                                    

Kabanata 1

The heartbreak queen

The Deity and the Prince leads primetime ratings on its first week, overshadows Ang Babaeng Pinagpala.

Umusok ang ilong ko sa inis ng mabasa ang headline ng tabloid. I was clearly annoyed with how its perceived to the masses. Halos isang taong walang nakapantay sa ratings ng Ang Babaeng Pinagpala, ito ang unang beses na naungusan ng baguhang show.

I hate it.

I hate feeling inferior.

Pinindot ko ang video interview kay Lope. Lope Tatiana has always been my rival in show business.

Madalas na mag-ugnay ang pangalan naming dalawa sa anumang aspeto ng industriya. Masyadong maliit ang mundo para sa amin ni Lope. It's always me or her, nothing could top that rivalry.

"Congrats on your new show, Lope!" saad ng reporter. "Maganda ang pagtanggap ng viewers sa bago mong palabas, how do you feel about that? Mas mataas umano ang ratings ng bago mong show kaysa sa kasabayan nito sa ibang istasyon."

Umirap ako sa ere. "Oh, thank you. To be honest, masaya po ako sa kung paanong tinanggap ng manonood ang show namin. It was such a blessing. Our goal is to give the viewers a good show to enjoy. Hindi naman po kami naghahabol ng ratings. We are just thankful."

Mas lalo akong napaismid. She's such a fake. Annoying. She may fool everyone with her fake personality, but not me. Naiinis kong ni-report ang video na iyon.

"Lilah, what are you still doing there? You're going to be late." Kinatok ng manager ko ang pinto ng dressing room.

Sumulyap ako sa wall clock. I sighed and stood.

I have a meeting with the big bosses. Of course, I have an idea where the meeting is leading. Alam kong kakausapin nila ako patungkol sa show ko at sa katapat nitong bagong palabas ng rival station.

Isinuot ko ang salamin at lumabas ng dressing room. Sinundan ko si Michelle, ang manager ko.

"Oh my gosh! Lilah! Ang ganda mo, p'wede bang magpa-picture?!" A girl was eyeing me excitedly.

Pinigilan ko ang pagkunot ng noo. Sino bang nagpapasok sa loob ng building sa mga ito? Umiling ako sa kagustuhan ng babae. I wasn't in the mood to be goofy and take pictures with everyone who asks.

Nilampasan ko ang kanilang grupo.

"Grabe naman! Totoo pala talaga ang usap - usapan. Masama ang kanyang ugali. Kaya naman nauungusan na siya ng mga kasabayan niyang artista." I heard the side comments, I snorted.

What?!

Dahil lang hindi ako pumayag sa kanilang hiling... oh dear, I can be someone's nightmare. Hindi lang iyon ang kaya kong gawin. One thing is true, masama ang ugali ko.

Narating namin ang opisina ng mapayapa. Walang mga asungot na nakasunod sa amin.

"Glad, you're here, Lilah!" Bumeso sa akin si Madame Stella. "Let's start the meeting."

We settled down. Humarap ako sa projector na mayroong powerpoint presentation. Two shows were plastered on the screen. Sumibol na naman ang inis kong naramdaman ng masilayan si Lope.

"Ang Babaeng Pinagpala is doing great since its started. Kita naman natin ang ratings nito nang magsimula pa lang ang show hanggang ngayon. Now, we're on its last week of showing... we have to sustain that same energy," paliwanag ng director.

Tumaas ang kilay ko. "Can't we sustain it any longer? I mean, ang dami namang shows na binilang ng taon bago nagwakas."

"Hm, the whole plot would be changed. Baka hindi maging maganda ang rehistro sa madla kapag mas lalo pa nating pinahaba."

Lies and Deception ✔ (Haciendero #4)Where stories live. Discover now