Ikalabintatlong Kabanata

7.1K 201 33
                                    

Kabanata 13

Karibal

Para kaming artistang sinalubong ng dalawang bata. Nagmano sa amin si Zaffiro habang pasalubong agad ang tiningnan ni Hana nang makababa kami ng sasakyan. After a week in the city, we finally headed home.

Home. I was already considering this place as home.

It feels illegal, sometimes. Alam ko namang sampid lang ako sa lugar, nagmagandang - loob lang si Raius na kupkupin ako pansamantala habang walang - wala ako. But weeks turned into months... I am still here.

Hindi lang basta bisita, girlfriend na ako ng isa sa mga tagapagmana ng hacienda.

Gosh, iba talaga ang beauty ko.

"Behave ba kayong dalawa?" Raius asked the two kids who both nodded eagerly.

He gave the kids their pasalubong which they thanked him for. Pagkatapos noon bumaling sa akin ang mga bata na naglahad din ng kamay. My mouth parted open.

"What about our pasalubong from you?" Hana inquired.

"Eh, 'di ba may pasalubong na si tito Raius mo?"

Sumimangot siya. "Hindi naman ikaw si tito Raius ko. Si tito Raius ka ba?"

And with that, she won the argument.

Talaga namang matalino ang kapatid ni Trojan, minsan nakakainis na ito. She told me once she wanted to be a lawyer. Nakikinita ko na ang kanyang kinabukasan. She would be good in the field.

Rye came to the rescue. He got another bag of goodies. "Of course, tita Kalay has something for you, too." Mukhang napaghandaan niya ang bagay na iyon.

Kinagat ko ang labi ko, para sa dalawang bata hindi pa sapat ang bigay ni Raius bilang pasalubong ko rin sa kanila. Ako naman ang nag-isip ng ibibigay sa kanila, wasn't that enough?

"I know it's not from tita Kalay... pero p'wede na rin," komento pa ni Hana.

Nag-thank you naman si Zafa na siyang tumanggap ng paper bag para sa kanilang dalawa. Pinisil ko ang pisngi ng batang babae.

"It's from me. Pinag-isipan ko iyon..." I pinched her cheeks. "Andito ka na naman, akala ko ba start na ang class niyo?" tanong ko sa dalawa.

"Ayoko na noon, sagabal lang sa play ko." Umismid pa siya.

Matapos nila kaming i-ambush, agad silang tumakbo paalis dala ang mga pasalubong. I just shook my head.

Ipinasok naman ni Raius ang mga dala naming bagahe. Mas lalong nadagdagan ang dala namin pabalik sa rami ng mga pinamili ko. Pinayagan niya akong makapag-shopping at bilhin ang mga luho ko sa buhay. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya.

I just carried some things I could carry with me inside our little house.

It's nice to be back. Pagod na pagod ako sa biyahe kahit hindi naman ako ang nagmaneho ng sasakyan.

Naupo ako sa single couch sa sala. Agad kong inalis ang suot kong heels at pinalitan ng fluffy slippers ang aking pang-ibaba.

"Tired?" Raius asked and handed me a cup of water.

Tinanggap ko iyon at ininom. "Thanks," Tumango ako. "I'm so tired." I pouted.

"You want massage?" Lumuhod siya upang kuhanin ang aking paa. He started massaging it.

I just stared at Rye... alam kong pagod din siya sa biyahe. Mas pagod siya. Pero siya itong inaasikaso ako at minamasahe ang paa na parang wala siyang iniindang pagod man lang.

Lies and Deception ✔ (Haciendero #4)Where stories live. Discover now