Ikalabindalawang Kabanata

7.5K 182 28
                                    

Kabanata 12

Not today, Satan

I let the wind caress my skin.

Nakabukas ang bintana habang umaandar ang sasakyan. Hinayaan naman ako ni Raius sa trip ko sa buhay, tahimik siyang nagmaneho ng kotse at panaka-nakang sinusulyapan ako. Madalas inaabot niya ang kamay ko para hawakan.

Sinama ako ni Rye patungong Lucena City, mayroon itong aasikasuhin sa pag-aangkat yata ng mga gulayin.

They own a house in Lucena. Marami silang bahay na pag-aari sa siyudad bukod pa ang mansyon ng mga magpipinsang mayroon ng asawa.

To my knowledge, Raius has his own house he rarely uses in the city. Maybe, he's preparing when the time comes for marriage. Sino namang pakakasalan niya ganoong nakatali pa siya sa aking ngayon?

Dumaan kami sa isang drive thru ng Jollibee. The sun was already up, yet I could still feel the chills of the morning breeze. Madaling araw pa lang ay bumiyahe na kami. It was easier to travel at dawn, sabi ng boyfriend ko. Hindi raw kasi masyadong traffic.

I couldn't stay awake for a minute to entertain him in the whole ride. Kung dati mulat na mulat ang mata ko sa buong magdamag ng taping, ngayon naman puro bawi ako ng tulog. It was the longest vacation I had in my career.

Wala naman akong ginawa kung hindi matulog buong biyahe, nagising lang ako ng malapit na sa Lucena.

He ordered breakfast meals for us. I was also famished. Hindi ako kumain nang umalis kami.

"Even fast food feels like a luxury," komento niya matapos makuha ang order.

Iniabot niya iyon sa akin. "Ha, what? It's not that expensive naman."

Sumulyap akong muli sa labas ng bintana para tingnan ang presyo ng mga pagkaing ibinibenta nila. Sa palagay ko nama'y walang nagbago. I used to be brand ambassador of Jollibee for consecutive years.

All the contracts with brands were done, the same with my network before I went off grid.

"For wage earners, it is," he said. "Hindi na siya pangmasa. Pahirap nang pahirap ang bansa natin..."

"Well, isn't your cousin in the senate?" I asked.

Tumango siya. "Ano bang laban ng isang matino kung halos lahat ng nakaupo hayok sa pera at ganid sa posisyon?"

"Well, they serve as hope to the nation. Sana balang-araw mabago pa ang sistema kahit minsan ang hirap na ring pangaraping mababago pa..." Bumuntong-hininga ako. "Can we eat, babe? Gutom na ako."

Ngumiti siya. "Sorry, nadala lang."

He gestured to open the plastic. He was still driving the car. Agad akong kumagat ng sandwich, sinubuan ko rin si Rye habang nagmamaneho ng sasakyan. We easily finished the breakfast meal.

"Are you full?" Tumawa ako at umiling.

"Not really. May room pa for other food." Kinapa ko ang aking tiyan.

He chuckled. "We're near. Ipagluluto na lang kita kapag nakarating tayo sa bahay. Would that be okay?" I nodded at him.

It was a cozy house.

Mas malaki pa rin ang mansion nila sa Tagbakan kumpara rito. But they are rich rich for maintaining a house that was rarely used. Nagagamit lang ang bahay tuwing may pagtitipong gaganapin malapit sa lugar.

Walang stay-in na kasambahay, bumibisita lang ito tuwing umaga para panatilihin ang kaayusan ng bahay.

Binitbit ni Rye ang bagaheng dala namin. "Welcome to Ponce's residence. Enjoy your week-stay, miss ma'am." Kinindatan niya ako.

Lies and Deception ✔ (Haciendero #4)Where stories live. Discover now