Ikaapat na Kabanata

8.6K 216 67
                                    

Kabanata 4

Sorry

Mariing ipinikit ko ang aking mata.

Teryo left the house early. Kagaya ng ipinangako niya, ipinagluto niya ako ng agahan at tanghalian. He tried to teach me how to cook, but my mind refused to cooperate. Pinilit ko namang pag-aralan ang paghuhugas ng plato at mga gamit sa kusina, wala naman akong ibang pagpipilian.

It was the second time I break a damn glass.

Kasalanan niyang pinagkatiwala niya sa akin ang kusina. Clearly, I wasn't really made for the kitchen. Kahit anong pilit ko, hindi ko magawang matutunan ang gawaing bahay.

I was still recovering with what happened last time. Mabilis namang gumagaling ang mga sugat kong natamo.

After that, I would go back to enjoy my vacation. Teryo will provide for me. Babayaran ko naman ang lalaki. Of course, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.

Hindi ko pa nalilibot ang hacienda ng mga Ponce. I was told the whole place is a good scenery. Maraming tanim sa kabuuan ng ilang ektaryang lupain ng mga ito. Ngayon lang ako nagkainteres sa lugar.

"Nabasag ko iyong baso saka plate," I informed him.

Kararating niya lang mula sa trabaho sa bukid. Tiningnan niya ako ng ilang sandali.

"Basagin mo na lahat," sarkastiko niyang wika.

Ngumisi naman ako at tumango. "Okay, sabi mo, eh."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at napailing. Muli siyang lumabas ng bahay, bahagya naman akong nagtaka. Sinilip ko siya mula sa bintana. He cut a whole banana leaf and came back to the kitchen.

"Then, we'll eat with a banana leaf," Iminuwestra niya ang dahon ng saging.

I was dumbfounded for a bit. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya. How can we eat with the leaf? Naiinis ko siyang tiningnan ng masama. He laughed for a moment and sliced it into pieces.

"Having glassware and utensils is a luxury for some people. For others, only a piece of this leaf is what they can afford." Hinugasan niya ang dahon at pinahid ng malinis na tuwalya. "Madalas itong ginagamit sa boodle fight? Didn't you have any experience?"

Umiling naman ako. I was never invited to any boodle fight before, or maybe I was, I just didn't find a reason to go. Hindi naman ako ang tipo ng taong likeable at invited sa intimate parties, I often intimidate people.

Well... I shrugged.

"For most part, you're lucky to have lived such a comfortable life..." he commented.

Nagpanting ang tainga nang marinig ang salitang lucky sa bibig niya. I hate that word with passion. It was bruising my ego than any other word in the dictionary, I was certainly not lucky. It disregards all my efforts I put into my crafts.

"Hindi ako masuwerte gaya ng inaakala mo. I don't like to be described as lucky. Lahat ng mayroon ako pinaghirapan ko..." mariin kong wika. "It was fucking rude to refer someone as lucky without knowing them completely."

Lalo na ang acting career ko... contrary to what everyone's description of me, I wasn't just a nepotism baby. I experienced what everyone experienced with the audition and casting calls. Hindi rin ako magtatagal sa industriya kung wala akong talento.

I don't want to be associated with my father at all. He had chosen his life, I had chosen mine.

Malamlam siyang tumitig sa akin. His expressive eyes looked regretful the moment he realized how tactless his mouth was.

Lies and Deception ✔ (Haciendero #4)Where stories live. Discover now