Ikasiyam na Kabanata

7.5K 220 28
                                    

Kabanata 9

Fiesta

Lumipat kami sa isang kubo malapit sa mansyon. It was bigger than Teryo's kubo. His cousins wanted that after what happened. I told him to go back to the mansion, I can manage alone.

Hindi naman niya ako responsibilidad. All I need is a roof to stay, he didn't budge. Hinila niya pa rin ako sa paglipat.

Tumutol ako sa mansyon kaya humanap siya ng ibang kubo na malilipatan malapit sa gitna. Hindi ko kasundo ang kapatid niyang babae, mukhang hindi niya ako gusto. Not that I like her, anyway. E 'di 'wag kung ayaw niya sa akin, as if I care.

"I promised to give you the best experience while you're in here. Hindi ka nga marunong sa gawaing bahay. You can't cook. You can't clean. You can't even wash your clothes. You have no personal assistant here. You only have me. Ako lang ang mayroon ka." It was his statement that won the conversation.

Raius was right. Wala naman talaga akong alam sa mga gawaing bahay. He tried to teach me, but I was stubborn enough to even do what he says. Kahit paglalaba ng panty ko, inaaasa ko pa minsan sa kanya.

Hangga't may masasandalan ako sa gawaing bahay, I have more excuses not to learn anything. Eh, bakit? Maganda ako. Mayaman. I shook my head. Hindi ko naman magamit ang yaman ko sa hacienda.

I have no power. I have no means. That's the price I have to pay with wanting freedom for a short time.

Ganoon yata talaga ang buhay. Life can't give everything I want. Tuwing natatamasa ko ang kasikatan at yaman, wala akong kalayaan. Kapag minimithi ko ang kalayaan, kailangan kong iwan ang kasikatan at yaman.

Another thing, I'm just a beauty. Not brainy.

The kids are everywhere. Madalas na bumibisita sila sa kubo. Noong minsang nagising ako, bumungad sa akin ang bungisngis ni Tadhana, saka ko lang na-realize na may hawak siyang palaka.

Mabuti na lang napigilan ni Trojan ang tangka nitong pag-atake. Maybe, that's her love language. Alam niyang cute siya, she takes that to her advantage.

"What?!" I hissed.

Ramdam ko ang kamay ni Raius na umaalog sa balikat ko. I can't even open my eyes, it's too early in the morning.

"Let's watch the sunrise," I heard him whisper against my ear.

"Watch it alone, I'm not interested. I just want to sleep, Rye." pagtataboy ko pa sa kanya.

Para siyang masamang espiritu, kapag hindi siya tuluyang lumayas sa paningin ko, siya itong sasamain sa akin.

"Naghihintay ang mga bata,"

Inis akong nagmulat ng mata. "Raius naman!" My eyes started to get teary.

He sighed. "I'm sorry, just go back to sleep. I'll be back after taking them to the view."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Paano ako makakabalik sa pagtulog? Ginising mo na ako!" Padabog akong bumangon.

Hinigit ko ang mga kumot ko upang dalhin. The outside breeze will surely be cold. Kailangan ko ng pantapal sa nilalamig kong balat. Pinagmasdan niya akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Binilisan ko lang ang kilos ko.

Nakasandal siya ng lumabas ako sa pinto. "Do you want me to carry you?" He smirked.

Inirapan ko lang siya at tumungo sa sala. Naghihintay na ang mga bata. It was Trojan carrying Hana. Antok na antok pa ang makulit na bata. Nakayapos si Zafa sa baywang ni Trojan. Mukhang ang first baby lang ng mga Ponce ang excited sa sunrise viewing.

Lies and Deception ✔ (Haciendero #4)Where stories live. Discover now