Chapter 2

63 3 0
                                    

5 years later...

Ang lamig ng simoy ng hangin. Nakaka-relax yung tipong wala kang problema. Ang sarap pa lang tumira sa probinsya. Yung malayo sa lahat, malayo sa sakit, poot at pighati, at lalong-lalo na malayo sa gulo.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na hangin dahil parang nararamdaman ko ang yakap ni Dominic.

‘Hon, I love you so much. Mamahalin ko kayo ng buong-buo nang magiging anak natin.’

Napadilat ang mga mata ko na para bang narinig ko ang boses n’ya at muli nanamang bumuhos ang mga luhang naipon ko sa limang taon kong pagtatago.

Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Bakit umaasa pa rin akong hahanapin ako ni Dominic at magpapaliwanag sa lahat nang nangyari? Bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?

Limang taon. Limang taon mula nung tumakbo ako palayo.

Wala akong ibang narinig na balita mula sa kaniya at sa pamilya ko, pero alam kong pinaghahanap nila ako sa loob ng limang taon.

Marami silang connection at madali lang sa kanila na mahanap ako pero dahil isang akong Knight, nalulusutan ko lahat ng pwede nilang daanan para lang mahanap ako. Hinaharangan ko kaagad ang mga connection nila dahil na rin sa tulong nang kaibigan kong si Claire Perkins na isa rin sa malapit sa pamilya ko, ang pamilya niya.

She’s my one and only best friend, and I put my trust in her completely.

Kaya sa pagtatago ko siya lang din mismo ang nakakaalam. Isa siyang hacker, kaya hindi nila ako nahanap miski isa sa mga pinsan ko. Kahit sa mga credit card ko pinalitan ko nang pangalan para hindi nila ma-track ang bank account ko.

Kung gaano sila katalino ay gano’n din ako katalino hindi ako magiging isang Knight ng wala lang. Hindi rin nasayang ang ilang taon kong pag-tatraining para lang sa wala.

Gusto ko rin namang lumayo, hindi dahil masakit, kun’di dahil gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang dalawang tao kung bakit nanatili akong tumatayo at lumalaban.

“Mommy!”

Napangiti naman ako sa maliit na braso ang yumakap sa bewang ko. Ginulo ko naman ang buhok nilang dalawa.

Yes, kambal ang anak ko. Isang babae at isang lalaki.

Akala ko mawawala na sila sa’kin dahil nung araw na umalis ako ay nawalan ako ng malay mabuti na lang natawagan ko pa si Claire bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising na lang ako na nandito na ako sa rest house ng mga Perkins, at sinabi niya na ayos lamang ang nasa sinapupunan ko.

Yung mga araw na naglilihi ako, medyo nahihirapan ako. Dahil minsan lang mag-stay dito si Claire, hindi na rin kasi ako nagpakuha ng kasambahay baka makarating pa sa pamilya ko ang tunay na nangyari sa akin.

Hirap din akong makatulog sa gabi at sa araw naman hirap akong makapagluto nang gusto ko, pero kahit nahihirapan ako ay nakayanan ko naman para sa batang dinadala ko.

Habang lumalaki ang sinapupunan ko mas lalo akong nahirapan ng mag-isa lang, minsan pa nga naiisip ko na tawagan ang pamilya ko dahil na rin sa hindi ko kaya, pero tiniis kong hindi sila kontakin dahil ayoko na ring makigulo pa sa kanila.

Hanggang sa dumating ang panganganak ko at mabuti na lang talaga nakabiyahe si Claire sa araw ng panganganak ko.

Nung una nahirapan pa ako pero dahil sa tulong ni Claire nairaos ko naman na mailabas ang mga anak ko na halos ikamatay ko rin.

Tiniis ko ang lahat para lang mabuhay ang mga anak ko, tiniis kong mahirapan dahil ako ang may gusto nito. Ginusto ko ’to kaya paninindigan ko. Kaya hangga’t nabubuhay ako poprotektahan ko ang mga anak ko.

Her TearsWhere stories live. Discover now