Chapter 11

49 7 1
                                    

THIRD POV

Lumabas si Dominic nang kwarto ni Scarlett at napabuntong hininga na lang. Kung kaya lang niyang ipaliwanag ang lahat kay Scarlett ay gagawin niya pero hindi pa sa ngayon dahil mas kailangan pa niyang protektahan ang pamilya niya.

Natigilan lang si Dominic nang mapansin niyang inaabangan siya ni Sophia. Hindi niya ito pinansin pero hindi naman siya tinigilan nito.

“What are you doing there?” tanong ni Sophia. Walang ganang lumingon si Dominic sa babae.

“It’s none of your business.” sambit ni Dominic, at bumaba na siya para makauwi pero sinundan pa rin siya ni Sophia. Naiinis naman siya dahil palaging nakabuntot sa kan’ya ang babae.

Palagi pang nakikialam ito sa mga bawat kilos niya.

“It is! I’m your fiance!” sigaw ni Sophia kaya nagkatinginan ang mga katulong ng mga Knight.

Huminga ng malalim si Dominic at tinignan niya si Sophia. “Keep in mind, you’re just my fiance,” sambit ni Dominic.

Lumabas na siya ng mansion ng mga knight para umuwi sa bahay ng mga magulang niya dahil mas nalulungkot siya kapag sa mismong bahay niya siya uuwi dahil hindi naman niya kasama ro’n si Scarlett. At baka maalala lang niya ang masayang nakaraan nila.

Akmang bubuksan na niya ang sasakyan niya nang pigilan siya ni Sophia.

“Are you leaving? I'm still here!” sambit ni Sophia. Napapikit naman si Dominic at hinarap na niya ang babae dahil hindi siya titigilan nito kung patuloy lang niya itong iiwasan.

“What do you want? I’m tired, Sophia,” sambit ni Dominic kay Sophia na mas lalo namang naiinis.

Napatingin lang si Dominic kay Sophia para hintayin ang sasabihin nito at kumuyom ang mga kamao niya dahil itong babae na ’to ang sinisisi niya kung bakit siya iniwan ng asawa niya.

“W-wait… Dominic, what did you talk about? Did you get back together?” tanong ni Sophia. Blanko namang tumingin si Dominic sa kan’ya.

“So, what? Wala ka ng pakialam do’n. Alam mo kung ano ka sa’kin Sophia. At alam mo rin kung sino ang mahal ko sa inyong dalawa ni Scarlett at hindi mo mababago ’yon,” sambit ni Dominic. Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia sa sinabi ni Dominic at galit niyang sinampal ang lalaki pero hindi yun ininda ni Dominic.

Dahil nagsasawa na siya sa mga sinasabi nito at nagsasawa na rin siyang kasama si Sophia.

“She cheated on you! She went with someone else! Have you forgotten?!” sigaw ni Sophia. Kumunot ang noo ni Dominic at hinawakan niya sa panga si Sophia na hinahampas naman ang kamay niya.

“The lies are enough, Sophia. I will never listen to you again. It’s a waste of five years that I listened to you. I hope my wife never left me,” mariin na sambit ni Dominic, at binitawan na niya ang panga ni Sophia. “Stay away from me.” dagdag pa niya at akmang bubuksan na niya ang pintuan ng sasakyan niya nang hilahin siya ni Sophia at kasabay ng paghalik ng babae sa kan’ya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dominic, at hinawakan niya ang mga balikat nito saka niya tinulak si Sophia palayo sa kan’ya. Mariin naman niyang pinunasan ang labi niya.

“Ano ba! Hindi ka ba nahihiya?!” inis na tanong niya habang mariin ulit na pinupunasan ang labi niya. Ngumisi lang si Sophia sa kan’ya.

“I know you want me! You want my body, right? That’s why you could fool my sister because you know I’m better than her,” nakangising sambit ni Sophia at inilapit nito ang katawan niya kay Dominic na tinulak naman siya.

“Simula ng minahal ko si Scarlett, hindi na’ko tumingin sa iba. Hindi na rin ako naaakit pa sa iba.” sambit ni Dominic at tumingin siya kay Sophia. “Nakagawa ko ang malaking kasalanan dahil nilasing mo ako noon. Nakakalimutan mo bang nang-blackmail ka para maghiwalay kami ni Scarlett.” dagdag pa niya at akmang sasakay na siya ng sasakyan nang matigilan siya sa sinabi ni Sophia.

Her TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon