Chapter 20

8 1 0
                                    

SCARLETT’s POV.

Paglabas ko ng kwarto ko, napasilip pa ako sa siwang ng pinto at napansin kong nakatulog na siya kaya napabuntong-hininga na lang ako bago ako bumaba para kumuha ng firs aid kit para gamutin ang mga pasa ni Dominic.

Ano naman kaya ang nangyari sa kan’ya? Hindi kaya... Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na hindi ordinaryong pasa lang ang tinamo niya. Mukhang binigyan siya ng mga pinsan ko ng parusa. Damn it.

Kailangan ko silang makausap dahil kumikilos sila ng walang consent na galing sa’kin. Ginulo ko na lang buhok ko para bumaba na pero natigilan ako nang makita ko nanaman si Sophia.

Hindi ba matatapos ang araw na ’to na hindi nila ako guguluhin? Hindi na rin ako maka focus sa trabaho ko dahil sa mga problema namin tapos dadagdag pa sila.

“Nasaan si Dominic?! Ibigay mo siya sa akin! Ako na gagamot ng mga sugat niya!” sigaw ni Sophia at akmang bubuksan niya ang pintuan ng kwarto ko nang humarang ako.

“Sana kanina mo yan ginawa para hindi ako nabulabog. Ba’t ngayon ka lang ngumangawa?” tanong ko sa kan’ya. Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia at nagpupumilit pa rin siyang pumasok sa kwarto ko, dahil sa inis ko naitulak ko siya ng malakas. “H’wag ka ngang mag-eskandalo rito!” naiinis na sigaw ko, dahil para na akong mababaliw dahil ayaw talaga nila akong tigilan.

“Bigay mo sa akin si Dominic! Ako na ang bahala sa kan’ya!”

Natigilan ako at napataas na lang ang kilay ko. “Sorry, nasa kwarto ko siya  so... Sa akin siya ngayon.” nakangising sambit ko at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Hindi ko akalain na lolokohin ako ni Dominic para lang sa kapatid kong desperada. “Are you desperate?” tanong ko. Nanlaki muli ang mga mata niya at galit na sumugod sa’kin pero umiwas lang ako para di niya ako matamaan.

“He’s mine! Not yours! I’ll take a back what’s mine!” sigaw ni Sophia na nagpatigil sa’kin pero natawa na lang ako sa kan’ya.

“Kukunin mo ang iyo, Sophia? Kailan pa naging sa’yo si Dominic?” tanong ko habang nakataas ang kilay ko. Kailangan talaga sa lahat ng chapter dapat may eksena siya, TSK.

“Shut up!” sigaw niya at sasampalin ako nang hawakan ko ang pulsuhan niya para pigilan siya.

“Hindi ka talaga marunong makinig. Yan ang magpapahamak sa’yo, Sophia.” Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng pagbitaw ko sa pulsuhan niya at bumaba na ako ng hagdan.

Nakita kong inaabangan ako ng mga pinsan ko.

“Scarlett...”

Napahinga ako ng malalim at nilapitan ko na sila. “Why did you punish him without my consent? Huh?!” tanong ko sa kanila.

Napakamot naman si Rios sa ulo at ngumisi lang sa’kin. “Inutos lang sa’kin ni kuya Carter.” sambit niya. Natigilan naman ako at kumuyom kamao ko. Kapag inutos talaga ni Kuya Carter ay kailangan sundin.

“You have to tell me! Look at him now! Paano kung napatay niyo siya?!”

Natahimik naman sila at hindi nakapagsalita dahil alam din nila na magagalit ako lalo na’t hindi nila sinabi sa akin ang mga gagawin nila.

“Hindi siya mamatay ng gano’n lang, Scarlett. We know our limits.” sambit ni Rios kaya nilingon ko siya at nilapitan.

“Ah, really? Then...” Ngumisi ako at sinuntok ko si Rios sa sikmura na napahawak naman sa sa tiyan niya at napaluhod. “Now, I know my limits too.”

Mas lalo silang natahimik sa ginawa ko kay Rios. Alam nila ang batas pero para pa rin silang mga bata kung kumilos. Minasahe ko ang kamao ko habang nakatingin kay Rios na nakayuko na kaya tinignan ko silang lahat.

Her TearsWhere stories live. Discover now