Chapter 25

19 3 0
                                    

SCARLETT’s POV

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. Ang dami ko ng problema mas nadadagdagan pa.

Hindi ko alam kung sino ang nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa'kin ang mas malala pa, nadadamay pa ang mga anak ko.

Nang makarating na kami sa parking lot area, napalingon ako kay Claire pero seryoso lang siya kaya tinanggal ko na ang helmet at bumaba na ako sa motor niya.

"Let’s go!"

Hindi na ako nagsalita basta sumunod na lang ako sa kan'ya. Masyado siyang seryoso kaya hindi ako makasingit kung ano ba talaga ang nangyayari.

Pagkarating namin sa mismong bar, nabigla pa ako ng makakita ng mga pulis. Bakit may mga pulis? Anong meron? Napansin ko rin ang mga empleyado namin na kausap ng mga pulis.

"Claire, what’s going on?" Tanong ko, pero hindi niya ako pinansin dahil nagpatuloy siyang maglakad kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Nakita na nila ang pagdating namin kaya lumapit agad sa akin ang mga pulis.

"Ms. Scarlett Knight, kayo ho ang gusto naming kausapin." sambit ng pulis habang nakayuko dahil iniiwasan niya ang mga tingin ko dahil isa akong Knight.

"Anong ginagawa niyo rito sa bar ko?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang mga pulis bago humarap sa akin pero nakaiwas pa rin ang mga tingin niya dahil iniiwasan niyang magtama ang mga mata namin.

"Ms. Knight, may nakapag sabi sa amin na illegal ang pagpapatayo ng negosyo mo rito dahil wala kang rights sa lupa."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong nangyari ’yon? Si Claire ang pinaasikaso ko roon at legal ang pinirmahan kong titulo ng lupa.

Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala na pati ang negosyo ko mukhang mawawala pa. Damn it.

"Legal ang pinirmahan ko. Nasa akin ang titulo ng lupa kaya hindi niyo maaaring pakialamanan ang negosyo namin." sambit ko at nilingon ko si Claire. "Isa siya sa may-ari ng bar at siya ang pinaasikaso ko ng bar."

Tumango naman si Claire at ngumisi. "She's right! Isa ako sa may-ari ng bar. Kung gusto niyo kami o si Scarlett makausap kailangan niyong kausapin ang mga abogado namin."

Nabigla naman silang lahat sa sinabi ni Claire kaya kumunot ang noo ko dahil parang may mali sa kanila.

"Kung ayaw niyo pa rin maniwala na may karapatan kami sa lupa. Teka lang..." Tinaas ni Claire ang kamay niya at kinuha ang phone niya para may tawagan.

"Ano ba 'tong mga pulis na ‘to?! Balak pa nilang sirain ang negosyo ni Scarlett! Wala daw kaming rights sa lupa!—Huh? Ah, Okay!—Oh, I trust you, man!" sigaw ni Claire sa kausap niya. Napayuko lang ako at napakagat sa labi. Hindi pwedeng mawala ang mga pinaghirapan ko.

Marami sa mga empleyado namin ang mawawalan ng trabaho kapag naipasara ang bar na hindi ko ’yon hahayaang mangyari.

"Nakausap na ni Mr. Carter Knight ang chief niyo, wala daw pala siyang inuutos sa inyo." sambit ni Claire at nilapitan niya ang mga ito. "Who are you working with?"

Nabigla ako sa sinabi ni Claire dahil yun pala yung hinala ko kanina pa na parang may mali sa kanila.

"M-Ma'am may inutos talaga sa amin na hulihin si Ms. Knight dahil sa pagnanakaw ng lupa at sa mga illegal na gawain."

Illegal na gawain? Pagnanakaw ng lupa?

Ni minsan hindi ko inisip na magnakaw ng hindi ko pagmamay-ari. Sa laki ng mga lupain namin imposible yung sinasabi nila.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Nov 20, 2023 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Her TearsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz