Chapter 8

43 3 1
                                    

Ilang linggo na kaming namamalagi sa Knight Palace. Iniiwasan kong magtagpo ulit kaming tatlo dahil ayoko ng gulo. Pinipilit ko ring iwasan na magkaroon ng tensiyon sa pagitan naming tatlo. Ayokong mag-isip ang mga pinsan ko, lalo na ang mga magulang namin na may problema kami. Tama na rin na si Erin lang ang nakakaalam ng lihim naming tatlo.

Mas nag-focus na lang ako sa mga anak ko at sa trabahong naiwan ko.

Nagpatayo muli kami ni Klaire ng isang restobar, dahil na lang sa maynila ipagpapatuloy ang nasimulan kong negosyo.

Sa ilang linggo na naming pamamalagi rito, naging maayos naman, pwera lang sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya nang bumalik ako. Wala na ba akong karapatan na tumira rito? I am a member of this family. Kahit balik-baliktarin nila isa pa rin akong knight.

Hindi ako bumalik para manira ng pamilya, bumalik ako dahil alam kong may responsibilidad pa rin ako bilang isang Knight, at gusto ko rin na makilala ng mga anak ko, ang pamilyang kinabibilangan ko.

“Ms. Scarlett,”

Napaangat ang tingin ko sa pintuan ng opisina ko at pumasok ang secretary ko.

“Do you need something?” tanong ko sa secretary ko. Pumasok naman siya sa loob at nag-bow muna bago tumungo sa lamesa ko.

“Si Mr. Erin Knight po.” sambit niya. Inabot naman niya sa’kin ang phone at nakangiti naman akong tumango sa kaniya bago siya lumabas ng opisina ko.

Napatingin ako sa phone. Bakit naman kaya napatawag si kuya Erin?May nangyari ba?

Pagkasagot ko pa lang ng tawag niya, sigaw ni kuya Erin ang bumungad sa’kin.

(“Go home, Scarlett!”) sambit niya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko dahil para bang hinihingal siya.

“B-bakit kuya? May nangyari ba?” tanong ko sa kaniya.

(“In-ambush ang chairman!”) sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako agad sa kinauupuan ko.

P-paanong nangyari ’yon? Marami siyang bodyguards.

“What happened, kuya Erin?!” tanong ko sa kan’ya. Narinig kong hinihingal siya.

(“Wala ng maraming tanong! Umuwi ka na sa mansion!”) sambit niya. Napakagat ako sa labi at napabuntong hininga na lang ako.

“I’ll be there!” sambit ko sa kaniya at naibaba ko na ang tawag saka ako nagmamadaling lumabas ng opisina ko.

Damn it! H’wag kang mag-iisip ng iba, Scarlett. Ligtas ang chairman. Alam kong ligtas siya. He’s our chairman.

“Miss?” nagulat naman sa’kin ang secretary ko na makitang nagmamadali akong umalis.

“Ikaw na muna bahala rito, Lisa. I have something to do,” sambit ko sa kaniya at mabilis akong sumakay ng elevator. Napasandal na lang ako habang nakatingin sa numero ng mga floor dahil na rin sa kaba.

Kinakabahan ako para kay chairman, lalo na sa mga anak ko. Baka mas lalo silang maguluhan kung anong meron sa pamilya ko. Jusko po, sana wala pong nangyaring masama kay chairman.

Naiiyak na ako habang nagdadasal, hindi ko kayang pabayaan ang responsibilidad ko bilang isang Knight. Hindi ako nagkamali na bumalik dito dahil alam kong maraming kaaway ang buong pamilya namin.

Gusto nilang makuha ang kayamanan ng mga Knight, or gusto nilang pabagsakin ang buong angkan namin. Ilang beses na rin nilang sinubukan na pabagsakin kami pero hindi sila nanalo laban sa’min, bukod sa mas makapangyarihan kami mas matalino pa kami.

Hindi kami nag-training para lang sa wala. Hindi kami tinuruan ni lolo para lang magpatalo kami, at hindi rin kami mangmang para maungusan nila kami.

Pagkabukas pa lang ng elevator agad akong lumabas at bumungad sa’kin ang mga customer namin sa bar. Marahil nagtataka sa’kin ang mga empleyado namin dahil halatang hindi ako mapakali. Hindi ko na sila pinansin at agad akong nagtungo sa parking lot pero may isang sasakyan ang bumungad sa harap ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Claire.

Her TearsWhere stories live. Discover now